ALAMAT NG
WALING-WALING
Noong unang panahon sa isang kahariang matatagpuan
sa may dagat ng Mindanao, may isang makisig at matapang na sultang
nagngangalang Rajah Solaiman. Dahil sa kaniyang galing at tapang sa digmaan
siya’y nakilala bilang isang kilabot sa iba’t ibang kaharian. Pinaniniwalaang
nasa kaniyang pag-aari ang isang mahiwagang sundang, ang Sundang Lenantatyon.
Ibinigay ito kay Solaiman ni Bal-Lido, ang diyosa ng digmaan.
Ipinagkaloob ito sa kaniya dahil sa mahusay niyang
taktika sa pakikipagdigma. Malaki ang pasasalamat sa kaniya ng mga
taga-Mindanao dahil sa patuloy na pagtatanggol ng Rajah. Isa sa mga digmaang
kinasangkutan ng Rajah ang digmaan sa Seta Tem-mon.
Nagwagi siya sa labanang ito, subalit iyon lamang ay
naging posible sa tulong ni Bal-Lido. Sa labanang ito siya niregaluhn ng
sundang. Subalit bago pa man ito napasakaniya, dumaan muna siya sa isang
pagsubok.
“Kunin mo ang itak,” sabi ni Bal-Lido. Sa pagtin
gala ni Solaiman nakita niya angisang lumulutang na
itak. “Gamitin mo iyan at putulin mo ang iyong kaliwang braso,” Di
nagdalawang-isip si Solaiman, sa utos ng diyosa ay kinuha niya ang espada at
iniakmang puputulin ang kaniyang sariling braso. Sa pagtama ng itak sa kaniyang
braso nagulat
na lamang siya nang mapansing walang dugong dumanak
ni balat na napilas mula sa
kaniyang katawan.
“Mula sa puntong ito Solaiman, hindi ka na magagalaw
ng kahit anong sandata
pa man.” Sabi ni Bal-Lido. “Ikaw ay papanaw lamang
sa aking utos, sa oras na iyon
siguraduin mong isusuko mo ang ibinigay kong sundang
sa lugar na ito. Kung hindi ka
makararating, siguraduhin mong may isang taong
mapagkakatiwalaang magbabalik ng
sundang sa akin.”
Kung gaano kabagsik si Solaiman sa digmaan, ganoon
rin siya kabagsik sa pag-ibig.
Dahil sa ganitong katangian, kinamumuhian at
kinatatakutan siya hindi lamang ng
kaniyang mga kaaway kung hindi pati na rin ng
kaniyang mga tagasunod. Sa mga kalye
pa lamang, rinig na ang mga bulungan ng mga tao.
Umaalingawngaw ang mga babala sa
lahat ng sulok ng kaharian, “Itago ang asawa’t mga
anak na babae dahil si Solaiman ay
paparating.”
Nag-uumapaw na ang mga babae sa harem niya subalit,
hindi pa rin siya tumitigil sa
pangongolekta nito. Para sa isang maharlikang tulad
niya, walang dalang bigat ang naguumapaw
na babae sa kaniyang buhay. Kung may isang aalis,
may tatlong darating, kung
gaano siya kahusay sa paggamit ng kaniyang sundang,
tila mas matalim ang kaniyang
mga salita pagdating sa pag-ibig.
Sa dulo ng kaniyang kaharian, may naninirahang isang
mangingisda. Kasama nito ang
kaniyang anak na babae sa bahay na siyang nag-aalaga
sa kaniya.
Isang tapat na tagapaglingkod ang mangingisdang ito
kay Rajah Solaiman. Subalit,
dahil sa pag-aalala sa posibleng kahinatnan ng
kaniyang anak, itinago niya ito sa gitna ng
gubat. Umaasang walang mga matang makatatanaw sa
kaniyang anak, lalo pa ang mga
mata ni Rajah Solaiman. Alam niyang hinding hindi
siya makatatanggi sa kung ano mang
sabihin ng kaniyang Rajah.
Tumira si Waling-Waling sa itaas ng isang punong
lauan. Napaliligiran ito ng mga
ilang-ilang at ilang halamang gubat. Walang
nakaaalam ng paraan upang makaakyat
dito kung hindi ang mapag-arugang mangingisda
lamang. Pati ang mga pagbisita
niya ay planadong-planado. Sa umaga, siya’y
nagdadala ng pagkain at sa gabi nama’y
sinisiguradong ligtas at maayos ang kaniyang anak.
Isang di pangkaraniwang kagandahan nga talaga itong
si Waling-Waling. Singkinis
ng sutla ang kaniyang balat, singdilim ng uling ang
buhok, ang kaniyang mga pisngi ay
parang dinampian ng rosas, mga matang sing tingkad
ng mga alitaptap sa gitna ng dilim,
at ang kaniyang mga pilik mata’y tila mga alon sa
pagkakurbada. Madali sana para sa
dalaga ang ipakasal sa kahit na sino kung isa lamang
siyang dugong-maharlika. Subalit,
nagiging mahirap ang lahat dahil isa lamang siyang
pangkaraniwang mamamayan.
Isang araw habang nangangaso si Solaiman sa gubat,
napansin niyang may isang
tirahan sa itaas ng mga puno. Sa gitna ng mga puno,
nasulyapan niya ang bahay ni
Waling-Waling. Sa kaniyang paglingon nakita nito ang
isang kakaibang kagandahang
noon pa lamang niya nakita.
Napasigaw si Rajah Solaiman, “Sino ang ama mo?
Sigurado akong itinatago ka
lamang niya sa akin!” Hindi sumagot sa Waling-Waling
sa takot na baka kung anong
gawin ng Rajah sa kaniyang ama.
Sa kaniyang pagtulog, nanaginip ang mangingisda ng
mga karimarimarim na ideya.
Nang magising ito mula sa masasamang panaginip,
kumaripas siya ng takbo upang
tunguhin ang tirahan ni Waling-Waling sa gubat.
Laking gulat niya nang maabutan niya
ang isang nagngingitngit na Rajah.
“Paano mo nagawang itago sa akin ang isang nilalang
na singganda ng iyong anak?
Sabihin mo sa kaniyang bumaba upang makita ko siya
ng mas maayos.” Utos ng Rajah sa
mangingisda. “Gawin mo ito kung ayaw mong mahati ng
aking sundang.”
Sa utos ng kaniyang ama, bumaba naman si
Waling-Waling. Nang umabot siya sa
kalahati ng puno, nadampian siya ng ilaw mula sa
buwan na lalong nagbigay liwanag sa
kaniyang ganda. “Hindi kita papatayin,” sabi ni
Solaiman sa mangingisda, “subalit, nais
ko sanang pakasalan ang iyong anak. Ipinapangako
kong pakakawalan lahat ng babae sa
aking harem at siya ang gagawin kong asa…”
Bago pa man tuluyang matapos ni Solaiman ang
kaniyang sasabihin at bago pa
man makababa si Waling-Waling, nanigas ang katawan
ng Rajah at ng mangingisda.
Isang liwanag ang bumalot sa buong gubat. Nakita
nila ang isang imahen na papaliit
nang papaliit. Ang dating katawan ni Waling-Waling
ay tila sumabit sa mga sanga ng
puno. Habang paunti-unting nawala ang liwanag tila
naging mas malinaw sa dalawa
ang imahen ng isang bulaklak. Isang bulaklak na may
lila’t pulang batik sa kaniyang mga
talulot.
Hindi sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan
subalit, walang nagawa si Solaiman
at ang mangingisda. Pagbalik sa palasyo, inatasan
niya ang mga kawal niya na kumuha ng
bulaklak ng Waling-Waling sa gubat at ipalamuti ito
sa mga puno sa harapan ng palasyo.
Isang pag-alaala sa mga pag-ibig na sana’y maabot na
niya.
Pp 49-53 The Legend of the Waling-Waling ni
Gaudencio V. Aquino
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento