Ang Duwende
Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol
Malalim
na ang gabi at abalang-abala pa sa pananahi ang dalawang magkapatid na babae.
Tinatahi
nila ang mga kamisa at saya nila, na isusuot nila para sa isang misa
kinaumagahan.
Ibinilin
ng kanilang ina na siguruhing nakasara ang pinto at mga bintana ng kanilang
bahay,
kundi
ay papasok ang duwende, na bumibisita sa kanila tuwing hatinggabi. Upang
malaman
ng
kaniyang mga anak kung ano ang duwende, ikinuwento niya ito:
“Katulad
lang ng mga ordinaryong tao ang mga duwende. Tuso silang mga nilalang, ngunit
matulungin
din. Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa nila ay ang pagsira sa mga muwebles at
mga
larawan, pagbasag sa mga salamin, baso, plato, at tasa. Kung hindi sila
makahanap
ng
mga bagay na sisirain o babasagin, kinukurot nila ang mga pisngi, braso, at
katawan ng
mga
tulog na babae, upang maging mabigat ang pakiramdam nila pagkagising. Kung
hindi
kinaasaran
ng mga duwende ang mga nakatira sa bahay na madalas nilang bisitahin,
nagpapakita sila ng kabaitan sa mga ito. Sinasabing dinadalhan nila ang mga
kaibigan nila ng mga
masasarap
na pagkain at ipinagtatanggol sila mula sa mga masasamang nilalang.
Maraming
tao tuloy ang sabik ngunit balisang makakilala ng duwende. Itinuturing nila ang
mga nilalang
na
nagtataglay ng kakaibang karunungan dahil sinasabing alam na alam nila ang mga
lihim at ikinikilos ng mga tao. Ngunit kung sakaling ang mga naging kaibigan ng
duwende ay
biglang
nagsabi ng anumang masama o nagbalak ng masama sa kanila, kahit pa hindi sila
marinig
ng mga duwende, ay parurusahan sila at hindi na muling babalikan.
“Ang
duwendeng binabanggit ko rito ay madalas sa bahay namin habang ang nanay ko, o
ang
lola
ninyo, ay buhay pa. Parati niyang sinasabi sa aming isara ang pinto at mga
bintana bago
kami
matulog. Isang gabi, nang nagtatahi rin kami ng kapatid ko ng kamisa at saya,
nakalimutan naming isara ang mga bintana at pinto. Ilang segundo bago
maghatinggabi, naroon ang isang maliit na nilalang na nakatayo sa aming pinto.
Maliit siya, kasinliit lamang ng isang dalawang taong gulang na bata; pula ang
kaniyang mukha; mayroon siyang mahabang bigote at maputing kulot na buhok.
Maigsi ang mga braso niyang balingkinitan, ngunit malaki ang mga kamay
niya–malaki para sa kaniyang braso.”Nang marinig ng mga dalaga ang kuwento ng
kanilang ina, natakot sila. Nang maghatinggabi, narinig nila ang mga tunog:
takla, takla, takla. Gawa ito ng duwende. Takot na takot ang dalawa. Lumingon
ang panganay, at nakita niya ang duwende na pumapasok sa pinto.
At
katulad ng inaasahan, tumakbo at tumalon siya papasok ng bahay, papunta sa mga
dalaga.
Dahil
doon, nasipa niya ang isang gasera, na nagpaliyab sa mga kamisa at saya.
Mula
noon, naging maingat na ang magkapatid at ang buong bayan ng Legaspi sa
duwende.
Isinasara
na nila ang kanilang mga pinto at mga bintana bago sila matulog sa gabi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento