Sabado, Enero 11, 2014

Mga Uri ng Pang-uri

Mga Uri ng Pang-uri
Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri.
Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malakimatanda atnakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.
 
May apat na anyo ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
1.      Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda,
2.      Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,
3.      Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa: pulang-pula,puting-puti,araw-araw gabi-gabi. hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro.
4.      Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko at bahag buntot.

May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
1.      Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip.
2.      Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
3.      Pamilang na patakaran o kardinal - ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami
Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.
Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.
1.      Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, hayop, lugar at gawain. May panlapi itong ika- o pang-.

Ang tatlong kaantasan ng pang-uri ay:
1.      Lantay-naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
2.      Pahambing-nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.

3.      Pasukdol-ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento