Sabado, Enero 11, 2014

Mga Uri Ng Pang-Abay

Mga Uri Ng Pang-Abay
1. Pang-abay na pamanahon - Sumasagot ito sa tanong na kailan,.
a. Naglalabasan ang mga bulig at kuhol kung tag-ulan
b. Nagwalis si Pedro kaninang umaga
2. Pang-abay na panlunan - Sumasagot ito sa tanong na saan.
a. Bumili ng gulay si Pedro sa palengke.
b. Nagtanim si Jose sa bundok.
3. Pang-abay na pamaraan - Sumasagot ito sa tanong na paano at nagsasabi ng paraan ng pagkakaganap sa kilos o galaw sa isinasaad ng pandiwa.
a. Dahan-dahang inabot ni Pedro ang mga plato kay Maria
b. Mabilis itinakbo ng taksi drayber ang buntis sa ospital
4. Pang-abay na panggaano - Nagsasaad ito ng bilang sa damit at bilang sa halaga.
a. Umabot ng isang kilo ang timbang ng kanyang bilihin
b. Kaunti lamang ang inaambag ni Pedro sa kanilang Christmas Party.
5. Pang-abay na panulad - Nagsasaad ito ng pagtutulad o paghahambing gaya ng labis, labis-labis, palabis-labis, higit, higit-kumulang, lubha, lalo, totoo, di-hamak, di gaano, di-gasino, di-makgka-magkano, at iba pa.
a. Di-gaano naintindihan ni Pedro ang paksa sa kanilang klase
b. Lubhang marami ang nagbigay ng "Relief goods" ang mga karatig-bansa sa mga nasalanta ng bagyo.
6. Pang-abay na pang-agam - Nagsasaad it ong pag-aalinlangan at di-katiyakan, gaya ng tila, wari, marahil, yata, kaipala, at iba pa.
a. Hindi yata pumasok si Pedro sa kanilang klase ngayon.
b. Marahil sa malakas na ulan kaya hindi siya pumasok kanina.
7. Pang-abay na panang-ayon - Nagsasaad ito ng pagsang-ayon gaya ng opo, oho, talaga, tunay, totoo, at iba pa.
a. Tunay na matalik na magkaibigan si Pedro at Jose
b. Opo inay, nalinis ko na po ang mga pinggan.
8. Pang-abay na pananggi - Ito'y nagpapahayag ng pagsalungat o pagbabawal gaya ng hindi ,ayaw, di, aywan, at ayaw.
a. Ayaw isama ni Pedro si Maria sa mga pinupuntahang niyang lugar
b. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento