Bahagi
Ng Pananalita
1) Pangngalan ay mga pangalan ng tao, hayop, pook,
bagay, pangyayari. Ito ay ginamit sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao,
lugar at pangyayari.
Halimbawa:
· Bogart ang panagalan ng aso nila.
· Si Angelina ang pinakamabait sa lahat.
· Sa SM Bacoor ay maraming tao.
· Bagong Taon ang gusto ko sa lahat.
· Ang lapis na hawak mo ay sa kanya.
2) Pangatnig à ay ginagamit para ipakita ang
relasyon ng mga salita sa pangungusap.
Halimbawa:
· Magkaisa kayo upang umunlad ang bansa natin.
· Mahal ka niya dahil mabait at maganda ka.
· Nagalit siya sa iyo gawa ng siniraan mo siya.
· Mag-aral ka ng mabuti upang tumaas ang iyong
marka.
· Lumapit ka para marinig mo.
3) Panghalip à ay ginagamit sa pagpapalit o
paghalili sa pangngalan.
· Ako ang mamumuno sa bayan na ito.
· Tayo ay magtulungan.
· Siya ang astig sa lahat.
· Sa kanya ko binigay an gang aking bag.
· Sa atin mapupunta ang kagalingan ng bayani.
4) Pang-ukol à ay ginagamit kung para kanino o para
saan ang kilos.
Halimbawa:
· Bumili siya ng libro para kay Carlo.
· Ipinasa niya lahat ang kanyang marka liban sa
Math.
· Sumama siya kahit labag sa kanya.
· Nagpaliwanag siya tungkol sa paksa.
· Nakatanggap ako ng regalo mula sa iyo.
5) Pandiwa à bahagi ng pananalita na nagsasad ng
kilos.
Halimbawa:
· Sumasayaw ng low ang mga bata.
· Kumakanta si Dexter ng fall for you.
· Lumalangoy siya sa dagat.
· Umaarte siya na parang artista.
· Tumatakbo siya ng mabilis.
6) Pang-angkop à bahagi ng pananalita na ginagamit
para maging maganda pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap.
Halimbawa:
· Magandang bata si Elena.
· Masipag na estudyante si Melvin.
· Si Allan ay mahinahong makipag-usap.
· Marangal na pag-uugali ang meron kay Marvin.
· Butihing anak si Jason.
7) Pang-uri à naglalarawan ng karakter o katangian
ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
· Mayabang si Chris Michael.
· Malago ang puno.
· Matangkad ang mga manlalaro ng basketball.
· Mataba si Jen.
· Mabait na bata si Angelu.
8) Pang-abay à naglalarawan kung paano ginawa ang
kilos o pandiwa o naglalarawan din ng kapwa pang-abay.
Halimbawa:
· Mabilis tumakbo si Lydia de Vega.
· Ang buong mag-anak ay nagsimba kahapon.
· Maliligo kami sa ilog.
· Sampung magagandang dalaga ang kalahok sa
paligsahan.
Tunay na mapagkakatiwalaan ang kaibigan ko.
Pangngalan ang tawag sa bahagi ng pananalita na
nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, lunan, hayop, o pangyayari. Mga uri:
Pantangi
Ito ang twag sa uri ng mga tangi at tiyak na ngalan
ng tao, bagay, lunan, o pangyayari. Isinusulat sa malaking titik ang unang
titik ng mga pangngalang pantangi.
Pambalana
Ito ang pangkalahatang pangngalan ng tao, bagay,
lunan, hayop, o pangyayari. Ito ay isinusulat sa maliit na titik, maliban kung
ginagamit na mga pamagat o simula ng pangungusap.
Panghalip ang tawag sa mga salitang panghalili sa
mga nabanggit nang pangngalan upang maiwasan ang pag-uulit ng mga ito. Mga uri:
Panao, ay ginagamit na panghalili sa ngalan ng tao.
1. unang panauhan: ako, ko, akin, amin, tayo
2. ikalawang panauhan: ka, ikaw, inyo, kayo, ninyo
3. ikatlong panauhan: siya, niya, nila, sila, kanya
Pananong, ay salitang kumakatawan sa ngalan ng tao o
bagay sa paraang patanong.
1. isahan: alin, sino, saan, ano, kailan, gaano
2. maramihan: alin-alin, sinu-sino, saan-saan,
anu-ano, kai-kailan, gaa-gaano
Pamatlig, ay humahalili sa mga pangngalan at
nagtuturo ng mga tao, bagay, lunan, o pangyayari.
1. malapit sa nagsasalita: ito, nito, dito
2. malapit sa kinakausap: iyan, diyan, hayan
3. malayo sa nag uusap: yaon, doon, ganoon
panaklaw, ay sumasaklaw sa bilang o dami.
1. iba, bawat, balana, isa pa, madla, lahat, tanan
Pang-uri ay nagbibigay turing sa pangngalan o
panghalip. Mga uri:
Panlarawan, kapag naglalahad ng katangian,
kalagayan, hugis, o laki ng isang pangngalan o panghalip.
Pamilang, kapag nagsasaad ng bilang o kabuuan ng
isang pangngalan o panghalip.
Pandiwa ang tawag sa bahagi ng pananalita na
nagsasaad ng kilos o gawa. Mga aspekto:
Perpektibo o naganap na
Imperperktibo o nagaganap na
Kontemplatibo o gaganapin pa.
Pang-abay ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri,
o kapwa pang-abay. Mga uri:
Pang-agam, nagsasaad ng pag-aalinlangan at
d-katiyakan sa gawain ng pandiwang binibigyang-turing nito.
Pamanahon, nagsasabi ng panahon o kung kailan ang
kilos ng pandiwa; isinasaad din nito ang dalas ng pagkakaganap ng pandiwa.
Panlunan, tumutukoy sa pook kung saan naganap, nagaganap,
o magaganap ang kilos ng pandiwa.
Panang-ayon, nagsasaad ng pagsang-ayon
Pananggi - nagsasaad ng pagtanggi.
Pang-ugnay ang tawag sa mga kataga at salitang
ginagamit na tagapag-ugnay ng mga salita, kaisipan at mga pahayag sa
pangungusap.
Pang-angkop - nag-uugnay ng salita sa kapwa salita
upang maging madulas ang pagbigkas.
1. -ng, pangatnig
2. -na, katinig
3. -g, letrang n
Pang-ukol, nag-uugnay ng pangngalan sa iba pang
salita sa pangungusap.
1. para, tungkol, ukol, hinggil, ayon, laban,
alinsunod, (sa / kay)
2. kay / kina
3. ng / sa
4. ni / nina
Pangatnig, nagpapahayag ng kaugnayan ng isang salita
o mga salita, sa kapwa salita o mga salita ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan.
1. Pamukod, ginagamit ito kung sa dalawa o higit
pang kaisipan, ang isa ay ibig itangi o pinag-aalinlangang piliin. Hal: dili,
man, kaya, o
2. Paninsay, ginagamit ito kapag sa pangungusap ang
unang bahagi ay sinasalungat ng ikalawa. Hal: ngunit, subalit, datapwat,
sukdang, maliban, natangi, bagkus, habang
3. Panlinaw, ginagamit ito kung nais na lalong
paliwanagin ang mga bagay na nasabi na. Hal: samaktwid, tahasang sabi, anupa't,
sa halip, kung gayon, alalaon man lamang
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento