Sabado, Enero 11, 2014

Alamat ni Tungkung Langit

Hindi makapaniwala ang mga tao noon na wala naman talagang langit at lupa. Ako, si Alunsina, at ang asawa kong si Tungkung Langit ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Kaming dalawa lamang ang pinag-ugatan ng buhay. Mula sa kaibuturan ng kawalan, itinakda ng aming kasaysayan ang paglitaw ng daigdig ng mga tao.
Nabighani si Tungkung Langit nang una niya akong makita. Katunayan, niligawan niya ako nang napakatagal, sintagal ng pagkakabuo ng tila walang katapusang kalawakan na inyong tinitingala tuwing gabi. At paanong hindi mapaiibig si Tungkung Langit sa akin? Mahahaba’t mala-sutla ang buhok kong itim. Malantik ang aking balakang at balingkinitan ang mahalimuyak na katawan. Higit sa lahat, matalas ang aking isip na tumutugma lamang sa gaya ng isip ni Tungkung Langit.
Kaya sinikap ng aking matipuno’t makapangyarihang kabiyak na dalhin ako doon sa pook na walang humpay ang pag-agos ng dalisay, maligamgam na tubigan. Malimit kong marinig ang saluysoy ng tubig, na siya ko namang sinasabayan sa paghimig ng maririkit na awit. Napapatigalgal si Tungkung Langit tuwing maririnig ang aking tinig. “Alunsina,” aniya, “ikaw ang iibigin ko saan man ako sumapit!” Pinaniwalaan ko ang kaniyang sinambit. At ang malamig na simoy sa paligid ang lalo yatang nagpapainit ng aming dibdib kapag kami’y nagniniig.
Napakasipag ng aking kabiyak. Umaapaw ang pag-ibig niya; at iyon ang aking nadama, nang sikapin niyang itakda ang kaayusan sa daloy ng mga bagay at buhay sa buong kalawakan.
Iniatang niya sa kaniyang balikat ang karaniwang daloy ng hangin, apoy, lupa, at tubig. Samantala’y malimit akong maiwan sa aming tahanan, na siya ko namang kinayamutan. Bagaman inaaliw ko ang sarili sa paghabi ng mga karunungang ipamamana sa aming magiging anak, hindi mawala sa aking kalooban ang pagkainip. Wari ko, napakahaba ang buong maghapon kung naroroon lamang ako’t namimintana sa napakalaki naming bahay.
Madalas akong gumawi sa aming pasigan, at manalamin sa malinaw na tubig habang sinusuklay ang mababangong buhok. Ngunit tuwing tititig ako sa tubig, ang nakikita ko’y hindi ang sarili kundi ang minamahal na si Tungkung Langit.
Sabihin nang natutuhan ko kung paano mabagabag. Ibig kong tulungan ang aking kabiyak sa kaniyang mabibigat na gawain. Halimbawa, kung paano itatakda ang hihip ng hangin. O kung paano mapasisiklab ang apoy sa napakabilis na paraan. O kung paano gagawing malusog ang mga lupain upang mapasupling nang mabilis ang mga pananim. Ngunit ano man ang aking naisin ay hindi ko maisakatuparan. Tumatanggi ang aking mahal. “Dito ka na lamang sa ating tahanan, Alunsina, di ko nais na makita kang nagpapakapagod!”
Tuwing naririnig ko ang gayong payo ni Tungkung Langit, hindi ko mapigil ang maghinanakit. Kaparis ko rin naman siyang bathala, bathala na may angkin ding kapangyarihan at dunong. Tila nagtutukop siya ng mga tainga upang hindi na marinig ang aking pagpupumilit. Nagdulot iyon ng aming pagtatalo. Ibig kong maging makabuluhan ang pag-iral. At ang pag-iral na yaon ang sinasagkaan ng aking pinakamamahal.
Araw-araw, lalong nagiging abala si Tungkung Langit sa kaniyang paggawa ng kung ano-anong bagay. Makikita ko na lamang siyang umaalis sa aming tahanan nang napakaaga, kunot ang noo, at tila laging malayo ang iniisip. Aaluin ko siya at pipisilin naman niya ang aking mga palad . “Mahal kong Alunsina, kapag natapos ko na ang lahat ay wala ka nang hahanapin pa!” At malimit nagbabalik lamang siya kapag malalim na ang gabi.
Sa mga sandaling yaon, hindi ko mapigil ang aking mga luha na pumatak; napapakagat-labi na lamang ako habang may pumipitlag sa aking kalooban.
Dumating ang yugtong nagpaalam ang aking kabiyak. “Alunsina, may mahalaga akong gawaing kailangang matapos,” ani Tungkung Langit. “Huwag mo na akong hintayin ngayong gabi’t maaga kang matulog. Magpahinga ka. Magbabalik din agad ako. . . .” May bahid ng pagmamadali ang tinig ng aking minamahal. Lingid sa kaniya, nagsisimula nang mamuo sa aking kalooban ang matinding paninibugho sa kaniyang ginagawa. Umalis nga si Tungkung Langit at nagtungo kung saan. Subalit pinatititikan ko siya sa dayaray upang mabatid ang kaniyang paroroonan. Ibig ko siyang sundan.
Natunugan ni Tungkung Langit ang aking ginawa. Nagalit siya sa dayaray at ang dayaray ay isinumpa niyang paulit-ulit na hihihip sa dalampasigan upang ipagunita ang pagsunod niya sa nasabing bathala. Samantala, nagdulot din yaon ng mainit na pagtatalo sa panig naming dalawa.
“Ano ba naman ang dapat mong ipanibugho, Alunsina?” asik ni Tungkung Langit sa akin. “Ang ginagawa ko’y para mapabuti ang daloy ng aking mga nilikha sa daigdig ng mga tao!” Napoot ang aking kabiyak sa akin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang paglalagablab, at lumalabas sa kaniyang bibig ang usok ng pagkapoot. Dahil sa nangyari, inagaw niya sa akin ang kapangyarihan ko. Ipinagtabuyan niya ako palabas sa aming tahanan.
Oo, nilisan ko ang aming bahay nang walang taglay na anumang mahalagang bagay. Nang lumabas ako sa pintuan, hindi na muli akong lumingon nang hindi ko makita ang bathalang inibig ko noong una pa man. Hubad ako nang una niyang makita. Hubad di ako nang kami’y maghiwalay.
Alam kong nagkamali ng pasiya si Tungkung Langit na hiwalayan ako. Mula noon, nabalitaan ko na lamang na pinananabikan niya ang paghihintay ko sa kaniya kahit sa gitna ng magdamag; hinahanap niya ang aking maiinit na halik at yakap; pinapangarap niyang muling marinig ang aking matarling na tinig; inaasam-asam niya na muli akong magbabalik sa kaniyang piling sa paniniwalang ibig kong makamit muli ang kapangyarihang inagaw niya sa akin. Ngunit hindi.
Hindi ko kailangan ang aking kapangyarihan kung ang kapangyarihan ay hindi mo rin naman magagamit. Hindi ko kailangan ang kapangyarihan kung magiging katumbas iyon ng pagkabilanggo sa loob ng bahay at paglimot sa sariling pag-iral.
Ipinaabot sa akin ng dayaray ang naganap sa dati naming tahanan ni Tungkung Langit. Sinlamig ng bato ang buong paligid. Pumusyaw ang dating matitingkad na palamuti sa aming bahay. Lumungkot nang lumungkot si Tungkung Langit at laging mainit ang ulo. “Mabuti naman,” sabi ko sa dayaray. “Ngayon, matututo rin si Tungkung Langit na magpahalaga sa kahit na munting bagay.”
Umaalingawngaw ang tinig ni Tungkung Langit at inaamo ako dito sa aking bagong pinaghihimpilan upang ako’y magbalik sa kaniya. Ayoko. Ayoko nang magbalik pa sa kaniya. Kahit malawak ang puwang sa aming pagitan, nadarama ko ang kaniyang paghikbi. Oo, nadarama ko ang kaniyang pighati. Lumipas ang panahon at patuloy niya akong hinanap. Ngunit nanatili siyang bigo.
Ang kaniyang pagkabigo na mapanumbalik ang aking pagmamahal ay higit niyang dinamdam. Nagdulot din yaon sa kaniya upang lalong maging malikhain sa paghahanap. Akala niya’y maaakit ako sa kaniyang gawi. Habang nakasakay sa ulap, naisip niyang lumikha ng malalawak na karagatan upang maging salamin ko. Hindi ba, aniya, mahilig si Alunsina na manalamin sa gilid ng aming sapa? Nababaliw si Tungkung Langit. Hind gayon kababaw ang aking katauhang mabilis maaakit sa karagatan.
Pumaloob din si Tungkung Langit sa daigdig na nilikha niya na laan lamang sa mga tao. Naghasik siya ng mga buto at nagpasupling ng napakaraming halaman, damo, palumpong, baging, at punongkahoy. “Marahil, maiibigan ito ni Alunsina,” ang tila narinig kong sinabi niya. Gayunman, muli siyang nabigo dahil hindi ako nagbalik sa kaniyang piling.
Humanap pa ng mga paraan ang dati kong kabiyak upang paamuin ako. Halimbawa, kinuha niya sa dati naming silid ang mga nilikha kong alahas. Ipinukol niya lahat ang mga alahas sa kalawakan upang masilayan ko. Naging buwan ang dati kong ginintuang suklay; naghunos na mga bituin ang mga hiyas ko’t mutya; at naging araw ang ginawa kong pamutong sa ulo. Kahit ano pa ang gawin ni Tungkung Langit, hindi na muli akong nagbalik sa kaniyang piling.

Namighati siya. At nadama niya kung paanong mamuhay nang mag-isa, gaya lamang ng naganap sa akin dati doon sa aming tirahan. Lumuha nang lumuha si Tungkung Langit, at ang kaniyang pagluha ay nagdulot sa unang pagkakataon ng pag-ulan. Kapag siya’y humahagulgol, nagbubunga yaon ng malalakas na pagkulog at pagkidlat. May panahong tumitindi ang kaniyang pighati, kaya huwag kayong magtaka kung bakit umuulan. Ang mga luha ni Tungkung Langit ang huhugas sa akin, at sa aking kumakawag na supling.

Alamat ng Waling-Waling

ALAMAT NG WALING-WALING
Noong unang panahon sa isang kahariang matatagpuan sa may dagat ng Mindanao, may isang makisig at matapang na sultang nagngangalang Rajah Solaiman. Dahil sa kaniyang galing at tapang sa digmaan siya’y nakilala bilang isang kilabot sa iba’t ibang kaharian. Pinaniniwalaang nasa kaniyang pag-aari ang isang mahiwagang sundang, ang Sundang Lenantatyon. Ibinigay ito kay Solaiman ni Bal-Lido, ang diyosa ng digmaan.

Ipinagkaloob ito sa kaniya dahil sa mahusay niyang taktika sa pakikipagdigma. Malaki ang pasasalamat sa kaniya ng mga taga-Mindanao dahil sa patuloy na pagtatanggol ng Rajah. Isa sa mga digmaang kinasangkutan ng Rajah ang digmaan sa Seta Tem-mon.

Nagwagi siya sa labanang ito, subalit iyon lamang ay naging posible sa tulong ni Bal-Lido. Sa labanang ito siya niregaluhn ng sundang. Subalit bago pa man ito napasakaniya, dumaan muna siya sa isang pagsubok.

“Kunin mo ang itak,” sabi ni Bal-Lido. Sa pagtin
gala ni Solaiman nakita niya angisang lumulutang na itak. “Gamitin mo iyan at putulin mo ang iyong kaliwang braso,” Di nagdalawang-isip si Solaiman, sa utos ng diyosa ay kinuha niya ang espada at iniakmang puputulin ang kaniyang sariling braso. Sa pagtama ng itak sa kaniyang braso nagulat
na lamang siya nang mapansing walang dugong dumanak ni balat na napilas mula sa
kaniyang katawan.

“Mula sa puntong ito Solaiman, hindi ka na magagalaw ng kahit anong sandata
pa man.” Sabi ni Bal-Lido. “Ikaw ay papanaw lamang sa aking utos, sa oras na iyon
siguraduin mong isusuko mo ang ibinigay kong sundang sa lugar na ito. Kung hindi ka
makararating, siguraduhin mong may isang taong mapagkakatiwalaang magbabalik ng
sundang sa akin.”

Kung gaano kabagsik si Solaiman sa digmaan, ganoon rin siya kabagsik sa pag-ibig.
Dahil sa ganitong katangian, kinamumuhian at kinatatakutan siya hindi lamang ng
kaniyang mga kaaway kung hindi pati na rin ng kaniyang mga tagasunod. Sa mga kalye
pa lamang, rinig na ang mga bulungan ng mga tao. Umaalingawngaw ang mga babala sa
lahat ng sulok ng kaharian, “Itago ang asawa’t mga anak na babae dahil si Solaiman ay
paparating.”

Nag-uumapaw na ang mga babae sa harem niya subalit, hindi pa rin siya tumitigil sa
pangongolekta nito. Para sa isang maharlikang tulad niya, walang dalang bigat ang naguumapaw
na babae sa kaniyang buhay. Kung may isang aalis, may tatlong darating, kung
gaano siya kahusay sa paggamit ng kaniyang sundang, tila mas matalim ang kaniyang
mga salita pagdating sa pag-ibig.

Sa dulo ng kaniyang kaharian, may naninirahang isang mangingisda. Kasama nito ang
kaniyang anak na babae sa bahay na siyang nag-aalaga sa kaniya.

Isang tapat na tagapaglingkod ang mangingisdang ito kay Rajah Solaiman. Subalit,
dahil sa pag-aalala sa posibleng kahinatnan ng kaniyang anak, itinago niya ito sa gitna ng
gubat. Umaasang walang mga matang makatatanaw sa kaniyang anak, lalo pa ang mga
mata ni Rajah Solaiman. Alam niyang hinding hindi siya makatatanggi sa kung ano mang
sabihin ng kaniyang Rajah.

Tumira si Waling-Waling sa itaas ng isang punong lauan. Napaliligiran ito ng mga
ilang-ilang at ilang halamang gubat. Walang nakaaalam ng paraan upang makaakyat
dito kung hindi ang mapag-arugang mangingisda lamang. Pati ang mga pagbisita
niya ay planadong-planado. Sa umaga, siya’y nagdadala ng pagkain at sa gabi nama’y
sinisiguradong ligtas at maayos ang kaniyang anak.

Isang di pangkaraniwang kagandahan nga talaga itong si Waling-Waling. Singkinis
ng sutla ang kaniyang balat, singdilim ng uling ang buhok, ang kaniyang mga pisngi ay
parang dinampian ng rosas, mga matang sing tingkad ng mga alitaptap sa gitna ng dilim,
at ang kaniyang mga pilik mata’y tila mga alon sa pagkakurbada. Madali sana para sa
dalaga ang ipakasal sa kahit na sino kung isa lamang siyang dugong-maharlika. Subalit,
nagiging mahirap ang lahat dahil isa lamang siyang pangkaraniwang mamamayan.

Isang araw habang nangangaso si Solaiman sa gubat, napansin niyang may isang
tirahan sa itaas ng mga puno. Sa gitna ng mga puno, nasulyapan niya ang bahay ni
Waling-Waling. Sa kaniyang paglingon nakita nito ang isang kakaibang kagandahang
noon pa lamang niya nakita.

Napasigaw si Rajah Solaiman, “Sino ang ama mo? Sigurado akong itinatago ka
lamang niya sa akin!” Hindi sumagot sa Waling-Waling sa takot na baka kung anong
gawin ng Rajah sa kaniyang ama.

Sa kaniyang pagtulog, nanaginip ang mangingisda ng mga karimarimarim na ideya.
Nang magising ito mula sa masasamang panaginip, kumaripas siya ng takbo upang
tunguhin ang tirahan ni Waling-Waling sa gubat. Laking gulat niya nang maabutan niya
ang isang nagngingitngit na Rajah.

“Paano mo nagawang itago sa akin ang isang nilalang na singganda ng iyong anak?
Sabihin mo sa kaniyang bumaba upang makita ko siya ng mas maayos.” Utos ng Rajah sa
mangingisda. “Gawin mo ito kung ayaw mong mahati ng aking sundang.”

Sa utos ng kaniyang ama, bumaba naman si Waling-Waling. Nang umabot siya sa
kalahati ng puno, nadampian siya ng ilaw mula sa buwan na lalong nagbigay liwanag sa
kaniyang ganda. “Hindi kita papatayin,” sabi ni Solaiman sa mangingisda, “subalit, nais
ko sanang pakasalan ang iyong anak. Ipinapangako kong pakakawalan lahat ng babae sa
aking harem at siya ang gagawin kong asa…”

Bago pa man tuluyang matapos ni Solaiman ang kaniyang sasabihin at bago pa
man makababa si Waling-Waling, nanigas ang katawan ng Rajah at ng mangingisda.

Isang liwanag ang bumalot sa buong gubat. Nakita nila ang isang imahen na papaliit
nang papaliit. Ang dating katawan ni Waling-Waling ay tila sumabit sa mga sanga ng
puno. Habang paunti-unting nawala ang liwanag tila naging mas malinaw sa dalawa
ang imahen ng isang bulaklak. Isang bulaklak na may lila’t pulang batik sa kaniyang mga
talulot.

Hindi sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan subalit, walang nagawa si Solaiman
at ang mangingisda. Pagbalik sa palasyo, inatasan niya ang mga kawal niya na kumuha ng
bulaklak ng Waling-Waling sa gubat at ipalamuti ito sa mga puno sa harapan ng palasyo.
Isang pag-alaala sa mga pag-ibig na sana’y maabot na niya.


Pp 49-53 The Legend of the Waling-Waling ni Gaudencio V. Aquino

Ang Alamat ni Daragang Magayon ni Damiana Eugenio

Ang Alamat ni Daragang Magayon
ni Damiana Eugenio
Katulad ng lahat ng alamat, nangyari ang kuwentong ito noong unang panahon. Naganap ito
sa payapang rehiyon ng Ibalong, sa maliit na bayan ng Rawis, na pinamumunuan ng makatarungang datung si Makusog. Ang asawa ng datu na si Dawani ay namatay sa panganganak.

Kaya’t nanatiling iisa ang anak ni Datu Makusog—isang anak na babaeng walang kapares sa
kagandahan at kabaitan, si Daragang Magayon. Hindi tuloy nakapagtataka kung bakit dumadayo ang napakaraming manliligaw mula sa ibang tribu, kabilang na ang nasa malalayong bayan, upang mabihag ang puso ng dalaga. Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini. Wala, kahit ang makisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang mangangaso at datu ng Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pang kayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga.

Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini. Wala, kahit ang makisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang mangangaso at
datu ng Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pang
kayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga.
Isang katangi-tanging binatilyo ang nagpakita si Rawis: si Ulap, ang tahimik ngunit matapang
na anak ni Datu Karilaya ng Katagalugan. Naglakad siya nang malayo upang makita ng sarili
niyang mga mata ang ipinagbuunying kagandahan ni Daragang Magayon. Ngunit hindi katulad ng ibang manliligaw, nagdahan-dahan si Ulap. Tiniis niya ang magnakaw lamang ng mga
sulyap mula sa malayo habang nagtatampisaw si Daragang Magayon sa ilog ng Yawa.

Pagkatapos ng isang maulang gabi, pumunta ulit si Magayon sa Ilog Yawa upang magtampisaw. Nadulas siya sa batuhan at nahulog sa malamig na ilog. Dagli-dagling sumaklolo si Ulap
at binuhat ang nangangatog na dilag pabalik sa dalampasigan. Ito ang naging simula ng pagiibigan ni Daragang Magayon at ni Ulap.

Ilang beses pang nagtagpo si Ulap at si Daragang Magayon. Hanggang sa isang araw, sinundan ni Ulap si Magayon sa pag-uwi. Pagdating sa bahay ni Datu Makusog, buong lakas
nang loob na ibinaon ni Ulap ang kaniyang sibat sa hagdan. Ipinapahiwatig nito ang kaniyang
kagustuhang pakasalan si Magayon. Walang nagawa si Magayon kundi mamula, magpigil ng
tawa, at umiwas ng tingin. Dahil dito, napagtanto ni Datu Makusog na umiibig ang kaniyang
nag-iisang anak, kaya’t hindi na siya nagpahayag ng kahit anong pagtanggi. Tuwang-tuwa
si Magayon at si Ulap. Binalak nilang gawin ang kasalan pagkalipas ng isang buwan upang
mabalitaan ni Ulap ang kaniyang mga kababayan, at upang makapaghanda nang husto para
sa pagdiriwang.

Mabilis na kumalat ang magandang balita. Nakarating agad ito kay Pagtuga, na namula sa
galit. Nang mangaso si Datu Makusog, dinakip siya ni Pagtuga. Nagpadala si Pagtuga ng mensahe
kay Magayon, nagbabantang papatayin ang kaniyang ama at maghahasik ng digmaan sa
kaniyang bayan kung hindi siya pakakasalan.

Sinunod ni Magayon ang kahilingan ni Pagtuga, labag man sa kaniyang kalooban. Agad-agad
na inihanda ang kasalan. Nang malaman ni Ulap ang masaklap na pangyayari, nagmadali
siya pabalik ng Rawis kasama ang pinakamagigiting niyang mandirigma.
Kasisimula pa lamang ng seremonya nang dumating sina Ulap. Sa halip na isang pagdiriwang
para sa kasal, isang madugong labanan ang naganap. Napuno ang langit ng mga palaso.
Napuno ang hangin ng tunog ng nagkikiskisang bolo. Nagtuos si Ulap at si Pagtuga, isang
labanan para sa kamay ng nag-iisang si Magayon.

Nadaig at napaslang ni Ulap si Pagtuga. Masayang sinalubong ni Magayon si Ulap, akmang
yayakapin—nang biglang isang ligaw na palaso ang tumama sa likod ng dalaga. At habang
sapo-sapo ni Ulap ang nag-aagaw-hininga niyang iniibig, bigla siyang sinibat sa likod ng
isang kawal ni Pagtuga. Agad na hinataw ni Datu Makusog ang kawal ng kaniyang minasbad,
isang matalim na bolo.
Pagkatapos ng mabilis na pangyayaring iyon, tumahimik ang lahat ng mandirigma. Tumigil
ang digmaan. Sa halip na marinig ang kasiyahan ng isang pagdiriwang ng kasalan, mga hikbi

at hagulgol para sa mga pumanaw ang lumutang sa hangin. Kahit na halos walang makita
dahil sa walang-tigil na pagluha si Datu Makusog, naghukay siya nang naghukay. Nang
matapos, nilibing niya ang kaniyang nag-iisang anak na si Magayon, at ang nag-iisa nitong
pag-ibig na si Ulap, nang magkatabi at magkayakap.

Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting tumaas ang lupang pinaglibingan kina Ulap at
Magayon. Tumaas ito nang tumaas, at di nagtagal, sinamahan ito ng pagyanig ng lupa at pagtilapon ng nagbabagang mga bato. Naniniwala ang mga matatanda na kapag nangyayari ito,
ginagalit ni Pagtuga ang bulkan upang maibalik sa kaniya ang mga kayamanang iniregalo niya
kay Magayon—mga regalong inilibing kasama ng dalaga sang-ayon sa mga lumang
paniniwala.

May mga araw kung kailan natatakpan ng mga ulap ang tuktok ng bulkan. Sinasabi ng mga
matatanda na kapag nangyayari ito, hinahalikan ni Ulap si Magayon. At kung pagkatapos nito
ay marahang dumampi ang ulan sa magiliw na libis ng bulkan, naniniwala ang mga
matatandang lumuluha si Ulap.

Pagkatapos ng mahabang panahon ay umigsi na ang pangalan ni Magayon at naging Mayong
o Mayon. Ngunit hanggang sa kasalukuyan, kahit na maaliwalas ang panahon, isang anino ng
masalimuot na kuwento ng isang natatanging dalaga at ng kaniyang iniibig ang bumabalong

sa magandang bayan ni Daragang Magayon.

Ang Duwende

Ang Duwende

Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol

Malalim na ang gabi at abalang-abala pa sa pananahi ang dalawang magkapatid na babae.
Tinatahi nila ang mga kamisa at saya nila, na isusuot nila para sa isang misa kinaumagahan.
Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing nakasara ang pinto at mga bintana ng kanilang bahay,
kundi ay papasok ang duwende, na bumibisita sa kanila tuwing hatinggabi. Upang malaman
ng kaniyang mga anak kung ano ang duwende, ikinuwento niya ito:

“Katulad lang ng mga ordinaryong tao ang mga duwende. Tuso silang mga nilalang, ngunit
matulungin din. Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa nila ay ang pagsira sa mga muwebles at
mga larawan, pagbasag sa mga salamin, baso, plato, at tasa. Kung hindi sila makahanap
ng mga bagay na sisirain o babasagin, kinukurot nila ang mga pisngi, braso, at katawan ng
mga tulog na babae, upang maging mabigat ang pakiramdam nila pagkagising. Kung hindi
kinaasaran ng mga duwende ang mga nakatira sa bahay na madalas nilang bisitahin, nagpapakita sila ng kabaitan sa mga ito. Sinasabing dinadalhan nila ang mga kaibigan nila ng mga
masasarap na pagkain at ipinagtatanggol sila mula sa mga masasamang nilalang.

Maraming tao tuloy ang sabik ngunit balisang makakilala ng duwende. Itinuturing nila ang mga nilalang
na nagtataglay ng kakaibang karunungan dahil sinasabing alam na alam nila ang mga lihim at ikinikilos ng mga tao. Ngunit kung sakaling ang mga naging kaibigan ng duwende ay
biglang nagsabi ng anumang masama o nagbalak ng masama sa kanila, kahit pa hindi sila
marinig ng mga duwende, ay parurusahan sila at hindi na muling babalikan.

“Ang duwendeng binabanggit ko rito ay madalas sa bahay namin habang ang nanay ko, o ang
lola ninyo, ay buhay pa. Parati niyang sinasabi sa aming isara ang pinto at mga bintana bago
kami matulog. Isang gabi, nang nagtatahi rin kami ng kapatid ko ng kamisa at saya, nakalimutan naming isara ang mga bintana at pinto. Ilang segundo bago maghatinggabi, naroon ang isang maliit na nilalang na nakatayo sa aming pinto. Maliit siya, kasinliit lamang ng isang dalawang taong gulang na bata; pula ang kaniyang mukha; mayroon siyang mahabang bigote at maputing kulot na buhok. Maigsi ang mga braso niyang balingkinitan, ngunit malaki ang mga kamay niya–malaki para sa kaniyang braso.”Nang marinig ng mga dalaga ang kuwento ng kanilang ina, natakot sila. Nang maghatinggabi, narinig nila ang mga tunog: takla, takla, takla. Gawa ito ng duwende. Takot na takot ang dalawa. Lumingon ang panganay, at nakita niya ang duwende na pumapasok sa pinto.

At katulad ng inaasahan, tumakbo at tumalon siya papasok ng bahay, papunta sa mga dalaga.
Dahil doon, nasipa niya ang isang gasera, na nagpaliyab sa mga kamisa at saya.
Mula noon, naging maingat na ang magkapatid at ang buong bayan ng Legaspi sa duwende.

Isinasara na nila ang kanilang mga pinto at mga bintana bago sila matulog sa gabi.

Buod ng Mabuhay Ka, Anak Ko

Mabuhay Ka, Anak Ko
Ni Pin Yathay
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Buod:

Nakagigising ang ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahiga'y namalayan ko ang iba pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingit ng mga karetang hila ng baka, mga manaka-nakang sigaw. Alas singko ng umaga gising na si Thay bumangon, dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid ng buong pagtataka. Abril 17, 1975 noon, ito'y patapos na ng digmaang-bayan.


Ginising na si Amy ng kanyang asawang si Thay. Nagmadali silang mag-asawa sa pag-aayos sapagkat ilang oras na lang ay maaari na dumating ang mga sundalo. Ginising na din nila ang kanilang mga anak na sina Sudath, siyam na taong gulang at si Nawath na limang taong gulang. Si Amy ay pilit na binibilisan ang kanyang kilos upang madaling mabihisan ang kanyang mga anak. Pag kalipas ng ilang mga minuto nagising na din ang kanilang beybi na si Staud.


Hindi naman ganoon kahirap ang pagbabalot nila. Isang lingo na nilang alam, mula nang mg-alisan ang mg amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ang Gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. Naghihintay na lamang sila ng tamang panahon upang makalipat kung sakali mang tamaan ang kanilang bahay. Nakipag kasundo na si Thay sa kanyang mga magulang na magkikita sila sa bahay ng kanyang pinsang si Oan na nakatira malapit sa bayan. Pinuno na nila nang gas ang kotse. Wala na silang ibang dapat gawin kundi ang mag-impake ng mga gamit, pera at ilang mga bagay na magagamit sa propesyon. Gayundin ang diksyunaryong French-English.


Sumisipa-sipa si Nawath habang binibihisan ni Any. Nang biglang dumating ang kanyang nakatatandang kapatid na si Anyung. Nagsasabing handa na ang kanyang mga magulang para sa pagalis. Habang binibihisan ni Anyung si Staud, nagbalot si any ng mga pwedeng makakain ng mga bata. Pinag masdan ni Thay ang kanyang paligid at naisip na mas mabuting pinaalis na niya ng bansa ang kanyang pamilya. Sapagkat ayaw niya ang bulok na rehimen ni Lon Nol at wala siyang dapat ikatajot sa Khmer Rouge.


Pinilit ni Thay na sumama ang mga bata sa mga magulang ni Any. Habang inilagay niya ang kanilang mga bagahe sa kanyang sasakyan habang naghahabilin sa mga kaguluhan ng syudad at putuloy ang pag-andar ng sasakyan.


Ang nga taong naglalakad sa kalye ay balisa at sa kanilang mukha'y mababasa mo na hindi nila alam kung anong dapat gawin. May isandaang yarda na ang kanilang nalalakad ng biglang ang mga tao'y nagtakbuhan ng makadinig ng pagsabog. Sa bandang kanan nama'y usok na pumalibot at nagsidatingan ang mga mbulansya at bumbero. Nararamdaman ni Thay na maaari pang bumalik ang digmaan, ngunit umaasa siya na babalik din ang dating Cambodia bago pa dumating ang digmaan.


Si Thay ay nagbuhat sa Oudong,mataas ang pangarap ng kanyang mga magulang para sa kaniya kaya siya'y ipinadala da Phnom Penh. Siya'y nagging isang magaling na estudyante noon. Walang kinikilingan ang Cambodia, popular ang kanilang prinsipeng si Sihanouk, walang kahirap-hirap umunlad noon ng bansa. Siya'y pumunta noon sa France at doon nag-aral ng inhinyeriya. Doon niya din nakilala ang kanyang unang asawang si Thary. Nagkasakit si Thary noon siya'y nagbubuntis kay Sudath at ng di lumaon lumalala ito at siya'y namatay. Nang lumaon nakilala niya si Any sila'y nagpakasal at nagbunga ng dalawang anak na si Nawath at Staud.


Nagging kapansin-pansin ang pagkawala ng nyutralidad sa pamumuno ni Sihanouk. Dumami ang mga Vietnamese sa bansa. Dahil ditto pinabomba ni President Nixon ang mga Vietnamese. Pinalyas ni Lon Nol sa pwesto si Sihanouk. Lumayas si Sihanouk putungong Peking at nakapagtatakang sumapi sa gerilyang Khmer rouge na dati niyang kalaban. Sa simula'y nagiging maayos ang pamumuno ni Lon
Nol ngunit habang tumatagal nagiging pabaya ng siya sa katungkulang ipinataw sa sarili. Sinugod siya at naparalisa ang kalahati ng kanyang katawan. Nabigo nilang sugpuin ang mga Vietnamese at ang gerilyang Khmer Rouge. Lalong lumaki ang inflation at ang palitan sa pagitan ng riel at dolyar. Kahit si Thary ay sumama na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Gumawa siya ng organisasyon na tinatawag na Bees Club - mga propesyonal na may pantay-pantay na kaisipan. Nais nilang magkaroon ng bansang nagkakaisa at kung maaari kasama ng mga Khmer Rouge. Pinatalsik sa puwesto si Lon Nol ng gerilya at naiwan sa gobyernong mamuno si Long Boret.


Makalipas ang higit dalawang oras na paglalakad ay nakarating na sila Psar Silep ang pinakamagandang lugar sa Cambodia. Doon nakatira ang pinsan niyang si Oan. Magandang tagpuan ang kanilang bahay sapagkat ito'y may mataas na bakod at may pintuang bakal. Si Oan din ay mag-isa lamang na nakatira doon sa ngayon sapagkat ang kanyang asawa, anak a t biyenan ay nakaalis na ng bansa. Nang sila'y pumasok na sa bahay nagulat sila sa dami ng kanilang kamag-anak na naroon. Naghanda ng makakain ang mga kababaihan maliban na lang kay Vouch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Siya' y maboka gaya ng kanyang ateng sa Keng. Ngunit aktibo pagdating sa usapang pulitika. Lumapit ang kapatid ni Thary sa kanya at nagtatanong sa nangyayari sa bansa. Dalawang taon ang kabataan sa kanya ni Theng, may asawa at tatlong anak, guro sa primarya at higit na pinaguukulang pansin ang basketbol kaysa pulitika.


Naguusap-usap ang kanilang pamilya tungkol sa nangyayari sa kanilang bansa habang kumakain ng mga inihahanda ni Any at ng mga iba pang nasa kusina. Biglangg dumating si Sim ang pinsan nilang disiotso anyos na walang inatupag kundi maglakwatsa kasama ang barkada. Sa padedebate ng kanyang mga kamag-anak, naalala ni Thay ang panahon ng pakikipagusap niya sa kanyang mga magulang. Pilit nilang sinasabi na komunista, masama ang Khmer Rouge. Ngunit ayaw niyang maniwala sapagkat kampamte siya sa mga kaalaman niyang nalalaman at naniniwala siya ang mga Cambodian ay relihiyosong tao. Pagkalaan ng ilang oras me narinig silang pamilyar na boses na nagsasalita sa radio agad nilang pinalapit ang kanilang mga kamag-anak. Iyon pala'y Patriarkong Budhista na si Huot Tat. Sinabi nitong huwag na silang matakot sapagkat tapos na ang digmaan. Pagkaraa'y isang boses pa ang nadinig kay Heneral Mey Sichan na nagsasabing sumuko na ang mga rebelde upang hindi dumanak ng dugo. Pagkatapos ay may biglang umagaw ng mikropono na nagsasabing tapos na ang laban, sumuko na ang gobyerno. May isang trak ng military ang dumaan sa harap ng bahay. Tumatakas ang isang sundalo ngunit nahabol ito na isang Khmer Rouge na may hawak na riple. Naging maluwag na ang lahat sa kanila, sila'y nagbibiruan na at nagsimulang magsiuwian na ang iba.


Ngunit isang tagapamahala mula sa bahay ng biyenan ni Oan ang nagsabing pinlalayas sila ni Khmer Rouge. Hindi nila alam ang dapat gawin kaya naghingi sila ng mga impormasyon at gabay ni Patriarkang Huot Tat. Dali-dali silang umalis papunta sa pagoda kung nasaan ang patriarka ng kanilang mga sasakyan ngunit sadyang maraming tao ang naglalakad kaya napakabagal ng usad. Dumating na sila sa pagoda agad nilang nakilala ang ilang mga heneral na kasapi ng gobyerno. Sinabi ng patriarka na hindi makatwiran ang ebakwasyon. Nag-utos ng isang monghe na tawagan ang Cambodian Red Cross at Opposition Democratic Country. Nais sanang makapigbigay ang mga ito ng impormasyon tungkol sa Hotel Le Phnom at French Embassy. Umalis ang heneral kasama ang isang monghe. Gulung-gulo sina Thay at ang kanyang mga kasama sa mga pangyayari kaya't pinili muna nilang maglakad-lakad at magkwentuhan. Patuloy na nagiging kainip-inip habang humahapon. Mag-aalasais dumating ang kinatawan ng patriarka. Sinabi niya na maraming opisyales ang nasa miting kasama ang Prime Minister na si Loleng Boret. Tumabi ang isang monghe sa opisyal ng isang Khmer Rouge nakiharap ito ng buong galang. Napag-usapang walang kabuluhan ang ebakwasyon. Nagging magaan ang kanilang kalooban. Kinagabihan ay natulog sila sa nakalatag na banig sa sahig ng pagoda. Mga alsa-nwebe ng gabi isang opisyal ng Khmer Rouge ang pumasok sa pagoda na may dala-dalang pisto nakita niya ang mga bisekleta at talong motorsiklo. Tinanong niya kung kanino iyon walang sumasagot, itinutok niya ang baril at muling nagtanong ngunit wala pa ring sumasagot. Isunuksok niya ang baril at pinuntahan ang isang motorsiklo pinutok niya ng dalawang beses ang baril upang matanggal ang kadena nito. Dali-dali siyang umalis at pagkalipas ng ilang minuto dumating pa ang dalawang kalalakihan at kinuha ang dalawa pang motorsiklo. Gulung-gulo ang kanilang mga isipan na may halong takot. Walang silang ibang magagawa kundi ang maghintay at gawing kumportable ang mga musmos nilang mga anak.

Mabuhay ka, Anak ko! ni Pin Yathay

ni Pin Yathay
Ginising ako ng ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahiga'y namalayan ko ang ibang pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingi ng karetang hila ng baka, mga manaka-nakang sigaw. Tiningnan ko ang aking relo, alas singko ng umaga. Bumangon ako, dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid nang buong pagtataka, Ang kalye ay bumabaha sa tao at sasakyang mabagal na naglalakbay sa maputlang liwanag ng bukang-liwayway, waring lumuwas na sa bayan ang buong bansa. Abril 17, 1975 noon, napagtanto ko na patapos na ang digmaang-pandaigdig.
"Hay, dear?"Gising na si Any, tahimik na nakahiga sa dilim, siguro'y pinanonood niya ako, naghihintay ng reaksyon ko.
"Dali ka, Any".Hindi ako nakaramdam ng takot, bagkus ay tension na pinatitindi ng kaalamang oras na para kumilos. Kailangan kumilos kami agad para maiwasan ang labanan. "Katapusan na ito. Ilang sandali na lang at darating na ang Khmer Rouge.
Naintindihan agad ni Any ang sinabi ko. Mabilis siyang tumayo't nagbihis; maliksi ngunit malamyos ang kanyang kilos at sa isang wigwag ng kanyang ulo'y naiayos ang buhok niyang hanggang balikat. "Ano'ng mangyayari?" tanong niya.
"Huwag kang mag-alala," sabi kong nagmamadaling pumunta sa sala para kunin ang mga gamit namin. "Mahihirapan tayo sa umpisa, pero magiging normal din ang lahat." Nagising sa boses naming ang mga bata. Nagsimulang maghabulan ang dalawang nakakatanda - ang siyan-na-taong si Sudath at si Nawath na limang taon - sa loob ng dalawang kuwartong apartment na bumubuo ng lugar naming sa bahay ng aking biyenan. "Kailangang mabihisan muna ang mga bata at pumunta na tayo agad sa bayan bago makarating dito ang sundalo.
"Nawath!" tawag ni Any. Narinig ni Nawath ang tawag dahil nakikipagbuno it kay Sudath sa kama. "Nawath, lalapit ka pag tinatawag ka!" muling tawag ni Any na lalong nilakasan ang boses. Kung minsa'y iniisip kong medyo mabagsik sa mga bata, pro talagang malilikot ang dalawa kaya kailangang higpitan ng kaunti. Nahagip niya ang papatakbong si Nawath at binihisan, hindi iniintindi ang pag-angal nito. Naghihikab na bumangon ang beybi pang si Staud, at saka inaantok na nagpalinga-linga. "Sige na, Sudath," sabi ko sa panganay na lalaki. "Magbihis ka na. Hindi mo ba nakikitang nagmamadali tayo?"
Hindi naman mahirap balutin ang kakaunting kailangan namin. Isang linggo na naming alam, mula nang mag-alisan ang mga Amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ng gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. Hinihintay na lang naming kung saan magmumula at kailan darating ang Khmer Rouge. Dalawang araw bago ito, nagbanta na ang ingay ng papalapit na giyera para maghanap na kami ng pansamantalang malilipatan sakaling tamaaan ang bahay. Pinuntahan ko ang aking mga magulang at nakipagkasundong Magkita-kita ang buong pamilya sa bahay ng pinsan kong si Oan na nakatira sa malapit sa bayan, sakaling lumubha ang sitwasyon. Pinuno na naming ng gasoline ang lahat ng kotse. Wala kaming dapat gawin ngayon kundi mag-empake ng dalawang maletang damit, kasama ang mga alahas ni Any, ang mga naipong naming at ang aking mga dolyar - tatlong libo lahat na puro tig-iisang daan. Dinala ko ang isang maliit na radyo para makarinig ng mga balita - at isang cassette recorder na may kasamang reserbang baterya. Nagtangay din ako ng ilang bagay na magagamit ko sa prosesyon - mga librong teknikal ukol sa irigasyon at pagbabai-baitang ng lupa, isang diksyunaryong French-English, at mga bolpen at papel.
Sipa ng sipa si Nawath habang pilit siyang sinasapatusan ni Any. Nang mga sandaling ring iyon, pumasok si Anyung na nakatatandang kapatid na babae ni Any. Sinabi nitong handa na sa pag-alis ang kanilang mga magulang. Habang binibihisan ni Anyung si Staud ng t-shirt at shorts, nagbalot naman si Any ng mga biskwit at kendi para sa mga bata. Sinisiyasat ko ang aking dadalhin - mga libro, relo, pera, mga papeles na mapagkikilanlan, radyo - at minsan ko pang tiningnan ang paligid, iniisip kong mas mabuti kaya kung pinaalis ko ng bansa ang aking pamilya. Hindi, katulad ng lahat, ayokong-ayoko sa bulok na rehimen ni Lon Nol. Wala akong dapat ikatakot sa Khmer Rouge.
Inapura ko ang aking pamilya para sumama na sa mga magulang ni Any na noo'y sakay na ng kanilang Austin. Ikinaraga ko ang mga bagahe naming sa aking Fiat, habang isinisigaw ang mga habilin sa kabila ng kaguluhan sa siyudad - ratatat ng machine gun, pagsabog ng mga bomba sa malao, at patuloy na andar ng mga sasakyan.
Ang kalyeng iyon, na isa sa maluluwang na lansangan sa Phnom Penh ay isang agos ng mga tao, kotse, kareta, bisikleta, trak, motorsiklo, at ilang karetang puno ng tao at kagamitan, nag-uunahan sa maputlang liwanag ng madaling araw. Ang ilang pamilya'y naglalakad; inaakay ng mga ama ang mga bisikletang puno ng mga kagamitang pambahay, may kilik namang bata ang mga ina. Kitang-kitang balisa ang lahat, malungkot ang mga mukha, ngunit kakatwang tahimik. Waring hindi natural ang pagkapasensiyoso ng mga nagmamaneho ng kotse, sumasabay sa lakad ng mga tao nang hindi man lang bumubusina, isang bagay na hindi mangyayarin noong nagsisikip ang trapik sa Phnom Penh, ilang araw pa lang ang nakakaraan. Mayroon pang ilang grupo ng mga sundalo ng bumagsak na Republika na naglalakad nang tatlu-tatlo o apat-apat, nakasakbat sa balikat ang mga ripple, walang takot na nagbibiruan pa, natutuwang tapos na ang giyera.
May isandaaang yarda na ang nalalakad naming, mga taong parang duming lumulutang sa ilog, nang makarinig ako ng isang pagsabog sa gawing kanan ko, sa may kantong malapit sa aming bahay, isang balumbon ng usok ang lumabas. Ilang minuto pa'y dumating ang mga ambulansya at bumbero, nagtutunugan ang mga kampana at nagkikindatan ang mga ilaw. Humarang sila sa aming daraanan at wala kaming magawa kundi tumigil muna.
Sa kabila ng pagmamadali ng mga taong nakapalibot sa amin, sa kabilang kalapitan ng labanan, nadama kong malayo na kami sa panganib. Kahit tapos na ang maraming taong digmaang-bayan at sa kabila ng mga babala ng aking ama ujik sa kalikasan ng Khmer Rouge, naniniwala akong babalik din sa dati ang lahat, gaya ng nakilala kong Cambodia bago nagkaroon ng digmaang-bayan.
Buhat ako sa Oudong, isang nayong may dalawampu't limang milya ang layo sa hilaga ng Phnom Penh. Doon namuhay ang ama kong si Chhor bilang isang maliit na negosyante. Hindi siya mayaman - tatlo lamang ang kuwarto ng bahay naming may bubuong na pulang tisa at sahig na matigas na lupa - ngunit mataas ang pangarap niya at ng aking inang si Loan para sa akin, ang panganay sa limang magkakapatid. Ipinadala nila ako sa Phnom Penh para magkaroon ng magandang edukasyon sa haiskul. Magaling akong estudyante. At nang ako'y edad disisiete, ako ang pinakamahusay sa matematika sa buong bansa.
Hindi ko iniisip ang pulitika noon. Maituturing na karurukan ng katatagan ang mga taon ng aking kabataan kung ikukumpara sa mga sumunod na panahon. Walang kinikilingan ang Cambodia, popular ang aming pinunong si Prinsipe Sihanouk, tila walang kahirap-hirap na umuunlad ang bansa, at waring napakalayo ng digmaan sa Vietnam. Wala ring usap-usapan tungkol sa pakikisangkot ng Amerika sa Southeast Asia.
Bilang isang matalinong estudyante, nagiging karapat-dapat akong iskolar ng gobyerno sa ibang bansa. Nakaugalian nang papag-aralin sa France ang estudyanteng Cambodian, ngunit nagging sentro ng oposisyon laban kay Sihanouk ang France, kaya sa Montreal ako ipinadala kasama ng iba. Doon ako nag-aral ng inhenyeriya.
Bumalik ako sa Cambodia noon 1965, sa isang bagong buhay. Nagtrabaho ako sa Ministry of Public Works, at nagpakasal sa una kong asawa, si Thary. Tulad ng karaniwang nangyayari sa mga bagong kasal, tumira kami sa bahay ng mga magulang ni Thary. Malaking bahay iyon dahil isang mayamang opisyal sa Ministry of Finance ang kanyang amang si Mr. Khem. Ipinanganak ang panganay naming si Sudath noong 1967. Mukhang patungo na kami noon sa isang magandang kinabukasan.
Gayunman, kung babalikan ko ang nakaraan, mangilan-ngilan nang palatandaan ng kawalang-kasiyahan sa paligid. Itinuring ni Sihanouk ang sarili bilang ama ng bansa. Hindi nagtagal at umugong ang usapan tungkol sa nepotismo at kabulukan. Sumabay dito ang lumulubhang digmaan sa Vietnam. Dahil masigasig si Sihanouk na panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa kanyang makapangyarihan kapitbahay, lihim siyang ankipagkasundo na magagamit ng mga North Vietnamese ang malalayong lugar sa silangang bahagi ng Cambodia sa paghahatid ng mga sundalo at armas sa South Vietnam. Naging dahilan ito ng pagtuligsa ng Estados Unidos. Nalagay sa alanganin ang tradisyunal na niyutralidad ng Cambodia.
Bilang reaksyon sa pangyayaring ito, sinuportahan ng mga di-nasisiyahang Cambodian ang maliit na grupo ng mga rebeldeng Khmer Rouge na ang karamiha'y pinangungunahan ng mga intelektuwal na nag-aaral sa France.
Hindi ito gaanong nakaapekto sa aming buhay. Ako mismo'y maraming problemang pansarili. Dumating sa buhay ko ang isang trahedya noong 1969. Habang hinihintay naming ang pagsilang ng aming pangalawang anak, nagkasakit ng Hepatitis si Thary na noo'y beinte kuatro anyos lang. hindi na siya gumaling. Namatay sila kapwa ng aming anak nang manganak siya. Isang nakababatang kapatid ni Thary:si Anyung, beinte uno, at lalo na kay Any, disinuebe sa pag-aalaga kay Sudath habang ako'y nasa trabaho.
Nany lumaon, at parang iyon na ang pinakanatural na mangyayari, umibig ako kay Any. Maganda siyang babae, maitim ang buhok na hanggang balikat at balingkinitan angkatawan. Sa edad na beinte, naging kaligayahan na niyang balikatin ang trabahong-bahay at minahal niya si Sudath na parang sariling anak. Nagpakasal kami. Noong 1971, ipinanganak ang aming anak na lalaki, si Nawath. At noong 1973, si Staud naman.
Noong mga unang taon ng dekada sitenta, nataas ako ng puwesto at naging director ng Department of New Works and Equipment sa ministry. Ang posisyong ito ang nagbigaysa akin at sa aking pamilya ng proteksiyon laban sa kahirapang pampullitika at pangkabuhayan na bunga ng lumalaganap na digmaang-bayan. Walang nalalaman si Any kundi ang nangyayari sa bahay ng kanyang mga magulang, hindi rin niya inuusisa ang aking mga paniniwalang pampulitika. Sa aking palagay, masyadokaming kampante tulad ng iba pang kakilala ko.
Nagiging kapansin-pansin na ang pagkawala ng niyutralidad nang panahong ito dahil sa naging patakaran ni Sihanouk na bigyang kasiyahan ang lahat. Dumami ang mga North Vietnamese sa bansa - humgit-kumulang sa apatnapung libo - kaya ipinag-utos ni Presindente Nixon na bombahin ang mga ito, isang lihim na ekstensiyon ng digmaan sa huli'y makakasira sa kanya at sa aminl. Taliwas sa inaasahan ang anging apekto ng mga pagslakay lalo nitong inakit ang pagpasok ng mga komunista sa Cambodia.
Noong 1970, pinabagsak ni Lon Nol, na Punong Ministro at pinuno ng armi, si Sihanouk. Nangako itong lilinisin ang kabulukan at palalayasin ang mga Vietnamese. Tumakas si Siahnouk patungong Peking, at ang nakapagtataka, nagpahayag siya ng suporta sa mga gerilyang Khmer Rouge na dati niyang kalaban. Tinawag niyang tagapagpalaya ang mga rebelde na karamiha'y binubuo ng mga magsasaka, at hindi na niya binigyang-halaga ang ideolohiyang komunista ng mga ito.
Sa simula'y malaki ang pag-asa naming kay Lon Nol. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, naging malinaw na hindi niya kayang gampanan ang tungkuling ipinataw niya sa sarili. Inatake siya at naparalisado ang kalahati ng kanyang katawan. Nagpatuloy sa kabulukan at pagwawalambahala ang administrasyon at sandatahang lakas. Nabigo ang arming sugpuin ang alinman sa mga North Vietnamese at Khmer Rouge sa kabila ng tulong sa Estados Unids. Walang nakinabang kundi Khmer Rouge na tinatangkilik ng mga intsik. Bumagsak ang bansa sa isang pangkalahatang digmaan-bayan. Sinabayan ito ng nakakasakal na inflation na pumuwersa sa aming mga maaaring mangibang bansa na magtago ng salaping dayuhan, lalo na ang dolyar. Noong 1970, umabot sa 60 riel ang kapalit ng isang dolyar, at 2,000 naman noong 1975.
Kakatwang kaming mga propesyonal at intelektuwal sa Phnom Penh ay naniwala rin sa palagay ni Sihanouk na makabayan at hindi komunista ang mga rebelde. Dahil na rin ito sa mga hindi maikakailang pagkukulang ni Lon Nol. At totoo namang ang kanilang programa, na itinataguyod din ng United Front of Kampuchea ni Sihanouk na nakabase sa Peking, ay hindi bumanggit ng komunismo. Sa halip, gumagamit sila ng mga nakapagpapahinahong salita gaya ng "Ang mga mamamayang Cambodia," "Pambansang Kalayaan," "kapayapaan," "Niyutralidad," "Kalayaan," at "Demokrasya."
Ako ma'y sumapi na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Nagtatag ako ng organisasyong tinawag naming Bees Club, isang proesyonal na may magkakaparehong kaisipan - mga opisyal ng mga gobyerno, propesor sa mga diktador, mga komunista at sa rehimen ni Lon Nol, ngunit wala kaming - laban sila sa komunista pero sinusuportahan nila ang bulok at walang-silbing si Lon Nol. Ibig naming magkaroon ng isang pamahalaan na may pambansang pagkakaisa, at kung posible, isang koalisyong pamahalaan kasama na ang Khmer Rouge.
Naniniwala akong higit sa lahat, bayani ang Khmer Rouge dahil marami akong kilalang nagtatguyod sa kanila at sumapi sa kanila. Ulit-ulit na sinabi ni Ama na nagkakamali ako dahil nakita at nakausap niya ang di mabilang na nagsitakas bago sila lumipat sa siyudad, kasama ang buong pamilya, noong 1972. Madalas ko siyang sabihan noon na huwag mawalan ng pag-asa; iginiit ko pang nabubulagan lang siya sa propaganda ng pamahalaan. Tutal, sabi ko pa, may sariling tauhan sa mga gerilya si Shanouk at tiyak na hindi nila susuportahan ang mga taong pumapatay ng mga kababayan at naninira ng mga pagoda. Maaaring komunista ang iba, sabi ko, pero higit sa lahat, Cambodian silang gaya namin.
Noong unang araw ng Marso 1975, nagkaroon ng pala-palagay na mababago ang pamahalaan; na pupuwersahin ng Khmer Rouge si Lon Nol na magbitiw, at inisip naming susundan ito ng maayos na pagtatatag ng isang bagong rehimen. Kahit papaano, inakala kong magiging isa si Sihanouk sa solusyong pulitikal, kung ano man iyon. Ngunit noong ika-ias ng Abril, nahikayat umalis si lon NOl, at nawala ang huling sagabal sa pagkakaroon ng maaayos na kasunduan. Naiwan ang pamumuno ng gobyerno sa mga kamay ni Long Boret. Alam kong wala na akong dapat ikatakot nang bumagsak ang dating rehimen. Isa lamang ako sa karaniwang inhinyero. Hindi naming kailangan umalis ng bansa. Hinintay ko ang pagkatapos ng digmaan at umaasang magkakaroon ako ng bahagi sa pagbubuo ng bagong Cambodia.
Sa kakapalan ng tao, inabot ng dalawang oras bago naming nalakbay ang dalawang milyang distansiya papunta sa Psar Silep, isang residensiyal na lugar malapit sa ilog. Ito ang sentro ng siyudad, ang pinakamagandang bahagi ng Phnom Penh - malalapad ang mga kalyeng natatamnan ng mga puno at magkakahiwalay na mga villa na istilong French colonial. Malaki ang pook na ito, may sapat na lugar para sa mga puno at halaman. Dito nakatira ang pinsan kong si Oan. Dalawang palapag ang bahay niya, protektado ng mataas na bakod na yari sa tisa at may pintuang bakal. Magandang tagpuan iyon dahil nag-iisa si Oan sa malaking bahay. May ilang linggo nang nakaalis ng bansa ang asawa't anak niyang lalaki, kasama ng kanyang mga biyenan.
Nang makapunta sina Anyung at mga biyenan ko sa bahay ng isang tiyahin, ipinasok ko naman ang Fiat sa kalsadang kinatatayuan ng bahay ni Oan. Nagulat ako pagkakita sa marami kong kamag-anak - si Oan at ang dalawa niyang kapatid na babae kasama ang kani-kanilang pamilya, ang aking dalawang kapatid na babae, dalawang lalaki at mga pamlya nila, at ang aming mga magulang - tatlumpo lahat. Naglapitan ang lahat sa amin, tuwang-tuwa nang Makita kami. May isang oras na sila roon at nag-aalala na sa amin.
Nang nakikipaglaro na sa mga pinsan nila ang mga bata, naghanda ng pagkain ang mga babae. Gumagawa ang lahat maliban kay Vouch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Si Vouch, dalawampu't isa, ang intelektuwal ng pamilya. Nasa ikatlong taon sa siay sa unibersidad, nag-aaral ng inhinyeriya na pambihira para sa isang babaing Cambodian. Nakahiligan niya ang simpleng pananamit at mabigat na pagsasalita, wari'y determinadong takasan ang tradisyunal na papel ng babae at igiit ang sarili sa daigdig ng mga lalaki. Magiliw siyang gaya ng nakatatandang kapatid na babaeng si Keng kun nakikipag-usap sa aming ina, kay Any o sa mga bata, pero madaling mapako ang atensiyon niya sa mga usapang pampulitika.
May bukas na isang radyo sa mesa, pero walang balita, puro tugtog military. Tinanong ako ng kapatid kong lalaking si Theng kung ano sa palagay ko ang nangyayari sa bayan. Dalawang taon lang ang kabataan sa akin si Theng, may asawa siya at tatlong anak, dalawang lalaki at isang sanggol na babae. Medyo bilib siya sa akin sa mga usapang pampulitika, hindi lamang dahil nakatatanda ako sa kanya, kundi dahil sa posisyon ko sa ministry. Titser siya sa primarya, nakatira sa mga magulang naming, at mas interesado sa basketbol kaysa pulitika. Bagay naman iyon sa katawan niya kaya mas napakikinabangan siya kung mabigat ang trabahong dapat gawin. A, sabi kong nakatitiyak, pag-uusapan siyempre 'yan ng mga opisyal ng magkabilang panig…
"E bakit hindi pa nila ibalita sa radyo?" sabat ni Vouch.
"Nakapagtataka nga," sabi kong hindi tumitingin sa kanya para makaiwas.
"Pero wala namang dapat ipag-alala. Hindi magtatagal at magkakaroon ng isang bagong gobyerno at muling mamumuno si Prinsipe Sihanouk. Makikita mo."
'At makabubuti sa kanyang huwag na niyang ulitin ang mga dating pagkakamali niya."
Bahagyang katakimikan ang nagdaan. Para maputol ito, may isang nagsabi: "Ano sa palagay mo, Sarun?"
Nagkatinginan kaming lahat. Kawawang Sarun. Titser siay noon bago maaksidente sa isang motorsiklo na ikinabagok ng kanyang ulo, dalawang taon na nakararaan. Hindi na siay tulad ng dati. Dati'y masayahin siya at mapaglaro, ngayo'y lagi siyang malungkutin at mainisin. Kadalasan ay mahiyain siya sa parang bata, pero minsa'y galit na galit o nagsasalita ng mga bagay na walang kaugnayan sa pinag-uusapan. Sabihin pa'y naalis siya sa eskuwela, pero hindi maunawaan kung bakit, ang hindki nagbago sa kanya'y ang pagmamahal niya sa asawang si Keng at sa limang-taong anak na babaing si Srey Rath.
"Ano sa palagay ko?" ani ni Sarun sa dating matamlay na ngiti. "ewan ko. Pero kung mababalik si Sihanouk, siguro makukuha ko uli 'yung dati kong trabaho. Ano sa palagay mo Thay?"
Naniniwala siyang naging biktima siya ng isang sabwatan at hindi makabubuting pag-usapan pa ang tungko doon. Ngumiti ako't nagkibit-balikat.
"Ano ang ingini-ngiti mo riyan, Thay?" tila nanunumbat ang boses ni Keng muyla sa kusina. "Siguradong mabablik sa trabaho si Sarun pag maayos na ang lahat. Sarun, dear, puwede bang tawagin mo na si Srey? Maghahain na kami.
Bilib kaming lahat kay Keng. Mapalad si Sarun dahil sa kanyang katapatan at pangangalaga.
Noon dumating ang pinsan kong si Sim. Nakangisi siya na paa bang kababalik mula sa pamamasyal sa buon bayan. "Sim!" Tawag ni Oan na gulat na gulat. "Ba't nag-iisa ka? Nasa'n ang mga magulang mo?