Ang Kilusang Reporma at Ang
Kilusang Propaganda
Ang Kilusang Reporma
Hatid
Kaalaman
Ang hindi makatarungang pagpatay sa
tatlong pari – Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora ang naging
daan sa paghahangad ng reporma o pagbabago ng mga Pilipino laban sa pamahalaang
Kastila.
Ilustrado
– ang pagtatag ng mga samahan na nangangampanya ng reporma sa pagpapatakbo ng
pamahalaan
Ang
Kilusang Propaganda
Ito ay isang samahang itinatag ng mga
liberal na Pilipino upang matamo ang pagbabago sa mapayapang pamamaraan. Ang pangunahing adhikain ay mapangalagaan ang
karapatan ng mga Pilipino at ang paghiling ng asimilasyon sa pamahalaang
Kastila. Ito ay upang maranasan ng mga
Pilipino ang mga karapatang bilang mamamayang Kastila. Kung susuriin, ang hinihiling lamang ng mga
propagandista ay pagbabago at hindi ganap na pagsasarili ng bansa.
Ang pamamaraang ginagamit ng mga
repormista o propagandista ay ang pluma.
Sumulat sila ng mga nobela, magasin,
aklat, at iba pang babasahin upang maipahayag ang kanilang mga kahilingan sa
pamahalaang Kastila.
Layunin
ng Kilusang Propaganda
1. Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at
Kastila
2. Pagkilala sa Pilipinas bilang bahagi o
probinsiya ng Espanya
3. Pagkakaroon ng representasyon sa Spanish
Cortes ng Espanya
4. Pagtatalaga ng mga Pilipinong paring
secular sa mga parokya
5. Pagkilala sa mga karapatang pantao ng mga
Pilipino
6. Pagkakaroon ng mga pagbabago sa pamamalakad
sa pamahalaan
La
Solidaridad
Upang mapalaganap ang layunin ng
kilusan, bumuo ang samahan ng isang pahayagan.
Ang La Solidaridad ang opisyal na organ ng kilusang propaganda.
Enero
15, 1898 – Inilathala sa Barcelona, Espanya ang unang sipi.
Graciano
Lopez Jaena – ang unang patnugot ng pahayagan
Marcelo
H. del Pilar – pumalit siya sa taong Disyembre 1895
Nobyembre
15, 1895 – Tumagal na paglathala ng pahayagan
Mga
Limang Pilipinong Manunulat
Marcelo
H. del Pilar – Plaridel, Araw at Gabi, Dolores Manapat
Jose
Rizal – Dimasalang, Laong Laan
Mariano
Ponce – Tikbalang, Naning, Kalipulako
Antonio
Luna – Taga-ilog
Jose
Maria Panganiban – Jomapa
Mga
Dalawang Propesor
Propesor
Ang – isang etnolohistang Australiano
Dr.
Miguel Morayta – Kastilang propesor, mananalaysay at mambabatas
Mga
Repormista o Propagandista
Sina Graciano Lopez Jaenaa, Marcelo
H. del Pilar, Jose Rizal, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Maria Panganiban,
Eduardo de Lete at marami pang iba na naniniwala sa ating Inang Bayan.
Graciano
Lopez-Jaena
Ø ay ipinanganak sa Jaro, Iloilo noong
Disyembre 17, 1856. Ang kanyang mga
magulang ay sina Placido Lopez at Maria Jacobo Jaena. Nag-aral siya sa seminary ngunit hindi siya
tumagal dito at nagpasiyang lumabas.
Fray
Botod
Ø ang unang akda na kanyang ginawa ay isang
kwento
ICCG
Ø International Congress of Commercial
Geography na nagbibigay ng mga talumpati
Enero
30, 1896
Ø Nagkasakit ng tuberkolosis at namatay sa
Barcelona, Espanya
Ang
kanyang mga akda:
1. Fray Botod
2. La Solidaridad
3. La Hiya del Fraile
4. Esperanza
5. Discursos y Artifulos Varios
Marcelo
H. Del Pilar
Ø ay isang bantog na manunulat at
mananalumpati. Ipinanganak siya sa
Kupang Bulacan, Bulacan noong Agosto 30, 1850.
Ang kanyang magulang ay sina Julian H. del Pilar at Blasa
Gatmaitan. Nag-aral siya sa Colegio de
San Jose at unibersidad ng Santo Tomas at nagtapos ng abogasya.
Hulyo
4, 1896
Ø nagkasakit ng tubekulosis at namatay sa
Barcelona, Espanya
Ang
kanyang mga akda:
1. Diariong Tagalog
2. Caingat Cayo
3. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
4. Dudas
5. La Soberania Monacal
6. La Frailocrasia Filipinas
7. Dasalang at toksohan
8. Dupluhan
9. Kadakilaan ng Dios
10.
Pasiong Dapat ipag-alala ng Puso ng Taong Babasa
Jose
P. Rizal
Ø Ang itinuturing na nobelista ng mga
propagandista. Ipinanganak siya noong
Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna, anak nina Francisco Mercado at Teodora
Alonzo. Sa gulang na walong taon pa
lamang ay naisulat na niya ang tulang “Sa aking Kababata” na nagturo ng pagmamahal
sa sariling wika. Siya ay nag-aral sa
Ateneo de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas.
Ø Ang kanyang obra maestro, ang Noli Me Tangere
at El Filibusterismo.
El
Filibusterismo
Ø ay isang nobelang pulitikal na nagsasaad ng
nalalapit na rebulusyon
1892
Ø dinakip at ikinulong siya sa Fort Santiago at
di naglaon ay ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga
Disyembre
30, 1896
Ø Siya ay nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan
ng pagbaril sa Bagumbayan (Luneta ngayon)
Ang
kanyang mga akda:
1. Noli Me Tangere
2. El Filibusterismo
3. A La Suventad Filipina
4. Mi Ultimo Adios
Asocasion
Hispano – Filipino
Ø Ito ay itinatag noon Enero 12, 1882 sa Madrid
Espanya
Ang
Dalawang Kastilang Kasapi
Miguel
Morayta – guro ng Unibersidad Central de Madrid
Felipe
de la Corte – may akda ng ilang mga aklat at lathalain tungkol sa Pilipinas
Ang
Tatlong Dibisyon
1. Sektor Pampulitika sa pamumuno ni Marcelo
H. del Pilar;
2. Sector Pampanitikan kay Mariano Ponce; at
3. Sektor Papalakasan kay Tomas Arejola.
La
Liga Filipina
Itinatag ni Dr. Jose P. Rizal noong
Hulyo 2, 1892 sa Ilaya, Tondo.
Ito ay isang samahang pangsibiko na
naglalayong:
1. pagkakabuklod ng buong kapuluan;
2. pagtutulungan sa panahon ng pangangailangan
at kagipitan;
3. pagtatanggol laban sa lahat ng uri ng
karahasan at kawalang-katarungan;
4. pagtataguyod ng edukasyon, agrikultura at
komersiyo;
5. pagsasagawa ng mga reporma o pagbabago.
Mga
Nahalal sa Pamunuan
Ambrosio
Salvador – pangulo
Agustin
de la Rosa – piskal
Bonifacio
Areval – ingat-yaman
Deodato
Arellano – kalihim
Jose
P. Rizal – ang nagsulat ng Saligang-Batas sa Hong Kong katulong si Jose Maria
Basa
Hulyo
6, 1892 – dinakip si Rizal noong Hulyo 6, 1892 at ikinulong sa Fort Santiago
Cuerpo
de Compormisarios – nagpatuloy na sumusuporta sa La Solidaridad
Mga
Nagawa at Kinalabasan ng Kilusan
May mga ilan ding pagbabago ang
nakamit ng Kilusan tulad ng:
1. ang pagkakaalis ng katungkulang panghukuman
sa pangangasiwa ng pamahalaang bayan;
2. pagkakatanggal ng monopoly sa tabako;
3. pagpapatibay ng Batas Maura sa pagtatag ng
pamahalaang municipal;
4. ang pagbabayad ng buwis ay ibinatay sa
kakayahan ng tao at tinawag na cedula;
5. pagkakatatag ng maraming hukuman sa mga
lalawigan at Maynila upang mapadali ang pagdinig ng mga kaso;
6. pagbabago ng pamamaraan ng pagpili ng
gobernador sibil na mangangasiwa sa mga pamahalaang panlalawigan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento