KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR
(Teoryang Dekonstruksyon)
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Mula sa Mga Liham ng Isang
Prinsesang Javanese
Japara, Mayo 25, 1899
Ibig
na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno” iyong babaeng malaya,
nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili,
masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig,
pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang
kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong
kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t
isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng
aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong kanluran.
Kung
pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi
ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong
kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi
maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan,
ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon,
ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na hebenerasyon. Alam mo ba kung
paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong puso’t kaluluwa kahit
nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan. Tuwirang
sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat
ng mga institusyon naming. Wala akong iniisip gabi’t araw kindi ang makagawa ng
paraang malabanan ang mga lumang tradisyon naming. Alam kong para sa aking
sarili’y magagawa king iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga
buklod na matibay pa sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin; at ito
ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong
nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong was akin
ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan,
mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?
Ngunit
hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at
bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa
kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking
pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang
kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa hangarin
ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso
ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot
na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy
na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa
kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang
binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sukmibol hanggang sa lumakas at
sumigla.
Ngayo’y
kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.
Panganay
ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na
lalki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang
kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang
kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin
mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may
edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay
umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa
mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga
pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger
School, sng pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan ditto sa
India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na
ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo
ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng
pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan n gaming lumang tradisyon
at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t
kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal n
gaming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami
pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang
tanginglugar na pagtuturong maipagmamalaki ng syudad naming na bukas sa mga
babae ay ang libreng grammar school ng mga European.
Nang
tumuntong ako ng ikalabindalawang taonng gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang
“ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa
labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko
na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga
magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong
banding huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang
pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa
buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko;
nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng
makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi
ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan
sa aki’y pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga
kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nagiisang
liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung
inalis pa sa akin ay lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo
sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang
kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako
ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas
ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa
ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at
pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.
Sa
wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon.
Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi
nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga
pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang
sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang
Reyna Wilhemina ng Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang
naming an gaming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinyagan
kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na pinadarausan ng
pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng
mga kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng
mangyari noon. Nasindak ang “mundo” nagging usap-usapan ang “krimeng” iyon na
dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang European, at para
naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako
nasisiyahan. LAgi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong
hangaring makapamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong
magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, mag-aral,
hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin
nang sapilitan.
Ngunit
dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking
kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking
maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya.
At
ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable.
At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang
mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at
kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento