Tahanan ng Isang Sugarol
(Teoryang Imahismo)
Salin ni Rustica Carpio
Ang
maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan, parang
bahaghari. Mabilis na papunta sa kanluran ang lumulubog na araw.
Dahil
tapos nang magalaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ng balon. Sandali
siyang napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya,
gustong mawala ang mga bituing nakahihilo. Si Siao-lan, ang anak niyang babae
na tatlong taong gulang ay hubad na nakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro
ng tubig.
“Inay,
tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay.” Si Ah Yue iyon na mas matanda kay Siao-lan ng mga
tatlo o apat na taon. Nagdidilig siya ng mga gulay na Chai-sim sa kabilang
gilid. Nang makitang tapos nang maglaba ang ina, mabilis siyang tumakbo para
kunin ang mga labada at isampay sa alambreng nakatali sa dalawang poste sa loob
ng kubong walang dingding.
Hindi
sinagot ni Lian-chiao si Ah Yue. Tumango lamang siya, nakatayo pa rin at
nakapikit—nagpipilit na mabawi ang lakas. Payat siya at maliit, mga
biente-singko anyos, at nakasuot ng kupas na asul na sam-fu. Medyo nakangiwi
ang kanyang mga labi. May pangit at nangingitim na bukol sa kanyang noo.
Halatang napalo siya ng isang matigas na bagay kamakailan lamang. Malaki ang
kanyang tiyan. Madaling mapansing nagdadalantao siya at malapit nang manganak.
Nang
dumilat si Lian-chiao, nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito at isa-isang
isinampay ang mga damit sa alambre. Dahil mataas ang alambre, kailangang tumingkayad
siya at tumingala. Habang minamasdan ang maliit na katawan niyon at ang
alanganing paraan ng pagsasmpay ng mga damit sa alambre, biglang nahabag si
Lian-chiao. Mahina niyang sinabi, “Ah Yue, mag-ingat ka. Baka ka mahulog!”
“Opo!”,
sagot ni Ah Yue. Bigla iyong pumihit, nangangambang tumingin at nagtanong,
“Inay, luto nab a ang hapunan? Kung hindi, kagagalitan at bubugbugin na naman
tayo ni itay!”
Nakapukaw
kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahit mayroon
pang kaning lamig na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapag
walang nakain, pag-uwi ang asawa niyang sugarol, tiyak na may mangyayari. Hindi
sinasadya’y nahipo niya ang namamagang bahagi ng noo. Tuamahip ang kanyang
puso. Nagmamadali siyang naligo sa tabi ng balon at pagkatapos ay tinulungansi
Siao-lan sa paglilinis ng katawan nito. Pinuno niya ang dalawang bald eng tubig
at kinarga ang mga ito sa pingga pauwi.
Ang
nakahilis na sinag ng lumulubog na araw ay tumama sa kanyang katawan, sa malaki
at bilog na tiyan, sa dalawang umuugang balde ng tubig sa pingga, sa umiika
niyang paa, at sa hubad na si Siao-lan na naglalakad sa kanyang likuran,
palinga-linga.
Pagod
na si Lian-chiao sa walang tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siya puwedeng
magbagal ng kilos. Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang mga
gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang kasangkapan sa
kusina.
Ang
pugon ay yari sa luwad at may mga gatla na sa iba’t ibang bahagi. Sa tabi ng
pugon ay may maliit na lalagyan ng panggatong. Wala na iyong laman.
Kinakailangang isantabi muna ni Lian-chiao ang sipit ng kalan para manguha ng
panggatong. Tumulong si Siao-lan at may dalang isa o dalawang piraso tuwing
papasok, ikinakalat sa lahat ng lugar.
Abala
sa gawain si Lian-chiao.Tinanglawan ng liwanag na namumula sa apoy ang mga
guhit ng pagod at puyat sa kanyang mukha. Walang makasisisi sa kanya. Mula
alas-sais ng umaga, nang bumangon siya para maghanda ng almusal, hindi na siya
natigil sa paggawa hanggang ngayon maliban sa sandaling pahinga noong
tanghalian. Noong umaga’y nanguha siya ng mga punla ng palay at itinanim sa
bukid, at noong hapon ay nagsibak siya ng kahoy na panggatong at namitas ng
ta-feng-ho isang damong panggamot nagagamitin niyang pampaligo pagkapanganak.
Malapit nang isilang ang sanggol at hindi maaaring hindi siya handa. Kung hindi
niya ihahanda agad ang mga kailanga, anong mangyayari sa bahay kung bigla na
lang siya ipasok sa ospital? Walang alam ang sugarol niyang asawa kundi
humilata sa kama sa kuta ng opyo at magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee
Shop. Kung hindi niya aasikasuhin ang
mga bagay-bagay ngayon, sino ang tutulong sa kanya? Bukod sa gawain sa bahay,
kailangan niyang lagyan ng pataba ang mga gulay at pipino na nakatanim sa gilid
ng kanyang bahay, at bunutin ang ligaw na damo. Kung hindi ay bubugbugin siya
ng kangyang asawa kapag nagging masama ang ani. Masakit pa nga ang kanyang noo
dahil sa suntok nito dalawang araw na ang nakararaan dahil nagkamali siyang
sagutin iyon.
“Sssst…”
Inilagay niya sa kawali ang mga dahon ng kamote. Ang buong bahay ay napuno ng
bango ng nilulutong gulay.
Nakaupo
si Siao-lan sa loobg ng bahay,
dinidilaan ang mga labi at tinitignan ang nakatatandang kapatid na nakatyao pa
rin sa kuwadradong bangko sa labas.
Di
kaginsa-ginsa’y isang tinig na tila tunog ng basag na kampana na nagbuhat sa
labas ng pinto. “Ah Yue! Hindi ka ba natatakot mahulog diyan? Ang taas ng
naaakyat mo, ha? Gusto mo nab a dalawin ang hari ng kadiliman?”
“Itay…
Nagsasampay lang ako…”, kiming sagot ni Ah Yue.
Halos
kasimbilis ng kidlat, isang parang-kawayang lalaki ang pumasok sa bahay at
sandaling tumayo, galit. “Lintik! Gabi na’y hindi pa luto ang hapunan. Umalis
ka ba para hanapin ang kalaguyo mo?”
“Sandali
na lang…maluluto na… Ipiprito ko na lang ang inasinang isda.
Pagkatapos…pagkatapos ay puwede na tayong… maghapunan.” Walang lakas ng loob si
Lian-chiao na tumingala man lamang. Inilagay niya sa isang plato ang
pinipritong talbos ng kamote at naglagay pa ng ilang patak ng langis sa kawali.
Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang hinuhugasan ang inasinang
isda. Hindi siya naglakas-loob na tumutol sa ingay ng kanyang asawa.
Si
Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan ng isang tunay na manghihithit ng
opyo:payat at matangkad, may maiitim na ngipin at namumulang mga mata. Matapos
nakapamaywang na sinigawan ang bawat isa, nagsimula siyang maghubad, at marahas
na nagtanong, “Handan a ba ang tubig na pampaligo?”
“Ihahanda
ko na ang tubig,ihahanda ko na…”
Mabilis
niyang itinabi ang siyansi, ibinuhos ang isang kaldero ng kumukulong tubig sa
isang balde na kauuwi lamang niya. Pagkatapos ay binuhat iyon nang dalawang
kamay sa luma at sira-sirang banyo. Yukung-yuko siya dahil sa bigat ng tubig.
Umaalog ang malaki niyang tiyan, at nakangiwi ang maputlang mukha, nagpapakita
ng hirap at marahil ay kawang-pag-sa.
Sumagitsit
sa kawali ang inasinang isda dahil sa init ng mantika.
“Masusunog
na ang inasinang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal mong kumilos. Wala
kanga lam kundi kumain!” Walang tigil sa pagmumura sa asawa si Li Hua habang
ang babae’y papunta sa banyo.
Nagtago
sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata, nanginginig sa takot. Hindi sila
nagkalakas-loob na magsalita. Kabisado na nila ang nangyayari, baka natalo na
naman sa sugal si Li Hua.
Pagkatapos
kumain at habang pinupunasan ang nagmamantikang nguso, kinuha ni Li Hua ang
lalagyan ng tsa. Humigop siya ng kaunting tsa at pagkatapos ay, “Pwe!”, lumura
sa lupa. Niligis ng kanan niyang paa ang malapot na laway sa sahig.
Inaakalang
aalis na naman ang lalaki, mabilis na ibinaba ni Lian-chiao, na kumakain pa,
ang mangkok at chopsticks, at nagkakandautal
na, “Ama ni Ah Yue, aalis ka na naman? Ako’y…”
“Ano?
Hindi ako aalis!” Napakalakas ng boses ni Li hua. “Natalo ako ng biente dolyar
ngayong hapon sa Hsiang Chi Coffee Shop. Bakit hindi ako babalik para makabawi
ang natalo sa akin? Pag hindi ako nanalo ngayong gabi hindi ko na tatawagin ang
sarili kong eksperto sa madyong!”
“Puwede
bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ng dalawampung itlog kay Ying…
Malapit na akong manganak. Kailangang bumili ako ng ilang itlog para lutuin sa
luya at alak.” Minasdan ni Lian-chiao ang malaki niyang tiyan. Masyadong mahina
at mababa ang kanyang boses.
Nang
marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si Li Hua. Lalong
pumula ang mga mata niyang dati nang namumula. Ibinuka niya ang bibig,
ipinakikita ang dalawang hanay ng bungi-bungi at maiitim na ngipin. “Hindi!
Hindi! Sinong may sabi sa iyong bumili ka ng masarap ba pagkain kung wala kang
pera? Kung kaya mong mag-order, bakit hindi mo kayang magbayad?”
Lumura
na naman sa sahig ang lalaki at dinilaan and nguso. Humakbang ang mahahaba
niyang binti at lumabas ang tila-kawayan niyang katawan.
Nakatayo
sa gitna ng bahay si Lian-chiao, nakabuka ang medyo laylay na bibig,
natitigilan at hindi makakilos.
Mahangin
at maginaw nang gabing iyon. Habang nakahigang walang tinag sa matigas na
higaang kahoy, hindi makatulog si Lian-chiao. Naglalakbay ang kanyang isip.
Kahit pago na pagod siya at mabigat na ang mga mata pagkatapos ng maghapong
pagtatrabaho, gising na gising pa rin ang kanyang isip.
Ang
mga lumipas na pangyayari ay parang ulap sa bundok na mabagal na
pumapailanglang sa lambak, naaanod, naaanod—kasinggaan ng usok. Sa lahat ng mga
taong patay na o buhay pa, ang larawan ng kanyang ina ang namumukod na
lumalantad. Sa kagustuhang magkaapo kaagad, pinag-asawa nito ang tila bulaklak
na anak niya—si Lian- Chiao na kinse anyos pa lamang noon. At ang masama pa, sa
kasabikang magkaroon ng mainam na buhay pagtanda niya, at laban sa payo ng mga
kamag-anak at kaibigan nila, pinili niya para maging manugang si Li Hua, na
anak ng noo’y isang mayamang negosyante. Lahat ng kanyang pag-asa ay nabigo.
Isang taon pagkaraang makasal si Lian-chiao at lumipat ng bahay, ang ina’y
namatay sa kanser sa dibdib. Paano niya malalaman na dahil sa ipinagkasundong
kasal, mawawala sa kanyang anak ang katahimikan at kaligayahan sa buong buhay
nito?
Nagbuntung-hininga
nang malalim si Lian-chiao. Nanlabo ang kanyang mga mata dahil sa luhang
napigil ang pagpatak. Ngayon, ang taong lumilitaw sa isip niya ay ang kanyang
asawa, ang walang silbi at tila kawayang siLi Hua. Winaldas niyang lahat ang
manang iniwan ng ama niya. Marami siyang bisyo: pagsusugal, paglalasing, paghithit
ng opyo, pagpunta sa bahay-aliwan…eksperto siya sa lahat ng ito. Ang
pinakamalakas na dagok kay Lian-chiao ay ang pagkamapamahiin ni Li Hua.
Naniniwala ito sa manghuhulang nagsabi na pulos babae ang isisilang ni
Lian-chiao at hindi ito kailanman maghahatid sa kanya ng yaman o suwerte. Sa
madaling sabi, si Lian-chiao ang pinanggagalingan ng kasawiang-palad. Dahil
dito, napakasama ng pakikitungo niya kay Lian-chiao.
Walang
magawa si Lian-chiao kundi tahimik na pagtiisan ang hindi makatwiran at kung
minsan ay malupit na pakikitungo nito sa kanya. Kung nagkaroon siya ng lakas ng
loob na magmaktol at mangatwiran, mandidilat agad iyon, at luluraan sa mukha
mismo, humihiyaw, “Ikaw ang sumpa ng pamilya! Sinong may sabi sa iyong
magpakasal ka sa akin? Luka-luka! Kung gusto mong lumayaw, puwede ka nang
lumayaw ngayon din. Alis! Alis! Sinong pumipigil sa iyo?...”
Tumulo
sa pisngi ang luha ni Lian-chiao. Dahan dahan siyang bumaling.
Nasipa
na nina Ah Yue at Siao-lan ang kumot. Mahimbing na natutulog ang dalawa, magkayakap.
Kinuha ni Lian-chiao ang kumot at itinakip sa kanila. Pumikit siya ngunit hindi
pa rin makatulog. Nag-aalala siya. Malapit na siyang manganak. Makukunan kaya
siya? Mahirap sabihin. Sa kabila ng kanyang pagbubuntis, kailangan niyang
magbuhat ng mabibigat na bagay—kasimbigat ng animnapu o pitumpung katies
araw-araw. Mga ilang araw pa lang ang nakararaan ay bumagsak siya habang
nagsisibak ng kahoy na panggatong. Sino ang gagarantiyang hindi naapektuhan ang
bata sa loob ng kanyang tiyan? Halimbawang malaglag ang bata, at mamatay siya,
sino ang humahalinghing, “Ang tiyan ko…masakit…dalhin agad…dalhin ninyo ako sa
ospital…”
“Ano?
Ngayon na? Mananalo ako sa larong ito. Sandali. Pung! Ang galing! Ang gandang
pitsa ito. Ito talaga ang kailangan ko. Ha, ha! Quadruple! Unang apat,
pangalawang apt…isang libo dalawang daan at walumpu at dalawang libo limang
daan at animnapu!”
Malaki
and panalong iyon. Nagsimula siya sa ilang chips lamang ngunit ngayon ay isang
bunton na ang nasa harap niya. Tuwang tuwa si Li Hua at hindi niya mapigil ang kakatawa, maluwang
na maluwang ang nangingitim na bibig. Habang sinasamsam at inaayos ang mga
chips, ngumiti siya sa taong nakaupo sa harap niya. “Ha, ha, Lumpong Chun!
Napakagaling nitong siyamnapung libong galing sa iyo! Napakagaling! Ha, ha…”
“Ai-yo…yo…”
“Hoy
lumakad ka na. Manganganak na ang misis mo!, may humimok kay Li Hua.
Walang
magawa si Li Hua kundi hilingin sa isang miron na maglaro para sa kanya. Galit
na tinignan niya si Lian-chiao at nag-aatubiling tumayo. Pumayag ang maybahay
ng towkay na ipaarkila sa kanya and Morris Minor nito sa dalawang dolyar bawat
oras, at dodoblehin sa gabi.
Tinulungan
ng maybahay si Lian-chiao na makasakay sa kotse. Si Li Hua, na umuungol pa ay
nagpunta sa kasilyas sa likod ng kapihan.
Bagamat
hindi na gaanong humihilab ang tiyan niya,balisa si Lian-chiao. Bigla siyang
nakakita ng ilaw ma mabilis na papalapit sa dako nila. Bahagyang kumislap ang
munting ilaw, dahil marahil sa hangin. Habang papalapit iyon ay nakita niya si
Ah Yueng pangku-pangko ang nakababatang kapatid. Kapwa sila umiiyak at namumula
na ang kanilang mga mata.
“Ah
Yue, Ah Yue! Bakit dinala mo rito ang kapatid mo? Sisipunin kayo!” Lumabas sa
kotse si Lian-chiao, nilapitan ang maliliit na batang babae, hindi malaman kung
ano ang gagawin.
Humagulgol
ng iyak si Siao-lan… Kaagad siyang inaliw ni Lian-chiao.
Habang
pinapahiran ang luha a ilong, marahang nagssaita si Ah Yue, “Nagising ako sa
iyak ni Siao-lan. Hinahanap niya ang nanay. Hindi ko Makita si nanay sa bahay.
Naisip kong baka narito kayo, kaya dinala ko siya dito…”
Nang
malaman ni Ah Yuen a papunta sa ospital ang kanyang ina, kumbot ng kaunti ang
ilong nya at ang bibig niya ay lumaylay sa mga sulok. Luhaan ang mga mata niya.
“Kokak,kokak…”Umiiyak
ang mga palaka sa mga pilapil sa gawing kaliwa ng maliit na kalsada. Binasag ng
malungkot nilang pagkokak ang katahimikan ng gabi.
Muling
bumugso ang hangin. Tuluyan nang namatay ang ilaw sa gasera. Si Lian-chiao at
ang lahat ng bagay sa kanyang paligid ay dagling nakulong sa kadiliman. Hindi
siya makasulong at hindi din siya makaurong ilang sandal siya tumayo roon,
walang tinag at hindi malaman ang gagawin. Parang hinihiwa ng isang matalim na
kutsilyo ang tiyan niya. Natutuliro siya at nahihilo. ”Kras.” Nalaglag ang gasera mula sa nanginginig
niyang mga daliri,nagkapira-piraso. Hindi na maisip ni Lian-chiao kung ano ang
nangyayari. Sinapo niya ng dalawang kamay ang kanyang ulo, nagpupumilit na
manatili siyang nakatayo.
Pagkalipas
ng ilang sandali, medyo nanumbalik ang lakas ni Lian-chiao at unti-unting
nasanay ang mga mata niya sa dilim. Lumakad siyang muli, mabagal, hindi
matatag. Kung ilang beses na halos madapa siya dahil sa madulas na kalsada.
Madalas siyang huminto dahil sa sumusumpong na sakit. Tatayo siya, yuyuko ng
mababa hanggang ang sakit ay humupa…ngunit ilang sandal lamang.
Narating
din sa wakas ni Lian-chiao ang Hsiang Chi Coffee Shop. Napakaliwanag s loob at
maingay: ang kalantog ng mga pitsa ng madyong sa mesa, ang maingay na boses ng
mga sugarol, umuungol o tumatawa…
Nanghihinang
itinaas ni Lian-chiao ang kaliwang kamay at kumatok sa pinto.
Marahil
ay buhos na buhos ang mga isip ng tao sa pagsusugal, o baka naman napakahina ng
katok niya. Walang lumapit para buksan ang pinto. Hindi na matiis ni Lian-chiao
ang sakit, at kumatok uli siya ng buong lakas.
Isang
matabang babae ang nagbukas ng pinto. Iyon ang maybahay ng may-ari ng kapihan.
Si Lian-chiao na nakasandal ng mabuti sa pinto ay bumagsak sa loob.
Noon
una ay nagulat ang matabang babae sa pagpasok niya. Ngunit nang matanto niya
kung sino ang babae, maliksi niya itong tinulungan at inakay papasok.
Si
Li Hua, na dadampot na lamang ng pitsa ay namangha rin s pagdating ni
Lian-chiao. Ngunit nakapagpigil siya at mabagsik na nagtanong, “Anong nangyari?
Bakit gabing-gabi na ay narito ka pa? Pung! Teka, teka! Red Center ba ‘yon? Ha!
Maganda!” Magaganda ang pitsa niya at medyo ninenerbyos siya, matamang
nakatingin sa mesa.
Tinulungan
ng maybahay ng towkay si Lian-chiao na maupo sa silyang rattan. Sapo ng
dalawang kamay ni Lian-chiao ang kanyang tiyan, “Ah Yue, huwag kang umiyak.
Mabait ka di ba? Alagaan mong mabuti and kapatid mo. Uuwi ang nanay pagkaraan
ng dalawa o tatlong araw. Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi ang tatay ninyo…”
Habang inaaliw si Ah Yue, napaiyak na rin si Lian-chiao. Hindi niyang makayang
isipin na aalis siya ng mga ilang araw, iiwan ang dalawang munting bata sa
bahay na walang mag-aalaga sa kanila.
Ibinaba
ni Ah Yue ang nakababatang kapatid at sa pagitan ng mga hikbi, “Inay, dadalawin
ko kayo bukas, kasama ang kapatid ko. Sasabihin ko kay Itay na isama kami roon.
May isa pang dolyar sa aking lata ng sigarilyo. Dadalhin ko iyon para magamit
mo muna…”
Magiliw
na hinawakan ni Lian-chiao ang munting ulo ng anak. Hindi siya makapagsalita
dahil sa pag-aalala.
Lumabas
si Li Hua. Kinagalitan ang dalawang bata gaya ng dati. Pagkatapos ay pumasok sa
kotse, binuhay ang makina at pinatakbo.
Patuloy
ang madyong sa Hsiang Chi. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa, “Khe-ta…
khe-ta…” at paminsan minsan ng malakas na pung!
Malamig
na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang ihip ng hangin. Isang munting
ilaw ang mabagal na kumikilos sa daan. Si
Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na kapatid, mabagal at
atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento