Linggo, Disyembre 15, 2013

Ang Totoo Kong Kaibigan

                                                     Ang Totoo Kong Kaibigan
           
                        Ang pagkakaroon ng malalim na negosasyon sa mga kapwa, ka edad, bata man o matanda ay ika ngang parte talaga ng mga pgbabago sa buhay.
Sa pagdaan ng panahon ay magkakaroon at magkakaroon ka rin ng mga kaibigan o matalik na mga kaibigan. Ngunit ang pagkakaroon ng totoong kaibigan ay iba nang mga usapan.
            Ako ay may totong kaibigang nagngangalang Grace Ann T. Dongon. Siya ay 13 taong gulang ngayon at nag-aaral sa Marian Collage ngayon. Siya ay mabait, maganda, matalino, hindi mataas ang pagtingin sa sarili o kung kaya ay mahiyain at isang taong paminsan-minsan mo lang makikilala sa buong mundo. Nakilala ko siya simula noong nasa unang baiting pa lamang kami. Naging magkaibigan kami noong nasa ikalawang baiting na kami. At nang lumalim at limalim an gaming pagsasamahan ay naging matalik na kaming dalawa. Talagang maipagmamalaki ko siya dahil siya ay palaging nandoon pag mayroon akong problema, malaki man ito o maliit, at nandoon rin siya paliging handang tumulong sa mga problema ko. May isang panahonon ngang halos nalibot na niya ang buong paaralan para lang Makita ako’t masabing “maayos lang ba ang kalagayan mo?”, talagang nasurpresa ako na ginawa niya iyon lahat para lang masabi iyon. Ngunit, sa kasamaang palad ay dumating nga yaong panahon na kami ay nagkagalitan sa isa’t isa dahil sa pagkakaroon niya ng ‘matalik na kaibigan habambuhay’. Sobrang nasaktan talaga ako sa nangyari na parang tuluyan na niya akong tinakwil. Dahil nun ako ay nakasabi sa kanya ng mga masasamang mga salita na habang sinasabi ko iyon ay parang bumabalik na lamang iyon sa akin na mas maraming beses, dahil alam kong sobrang nasasaktan na siya sa mga sinsasabi ko kaysa sa akin. Pakiramdam ko rin na habang sinasambit ko ang mga salitang iyon ay parang pinupuga ang puso ko habang pilit na iniiwasang tumulo ang kahit isa man lang luha. Kaya nga ay nag-away kami ng tatlong araw at sa bawat pag-iwas niyang tumingin sa akin ay sing sakit na parang pinapana ako sa akinglikuran ng walang hanggang paghahapdi. Ngunit, hindi ko lang naalala pero may mga himalang dumating at kami ay bumalik sa dati namang pagsasama at nun ay inamin na niya sa akin na “sa bawat pag-iisip ko sa’yo at sa mga nangyari ng pag-aawayan natin noon ay parang tuluyan nang gumuho ang aking mundo at ngayon ay nagpapasalamat ako’t ang pagkakaibigan natin ay naibalik na pati rin sa ang aking mundo.” Doon ko nalamang inalala niya rin talaga ako sa kabila ng mga nasabi kong mga mali sa kaniya at mula noo’y tinuring na naming ang isa’t isa na totoong magkaibigan. At kahit na magkalayo man kami at hindi na rin naming makikita o malamang ay hindi na rin naming makikilala ang isa’t isa ngunit hinding hindi namin makakalimutan an gaming pagsasama bilang totoong magkaibigan.
            Ang pagkakaroon ng mga matalik na kaibigan ay ang pakiramdam na mayroon kang makakassama palagi. Ngunit ang pakiramdam na mayroon kang totoong kaibigan ay iba dahil mararramdaman mong buo na ang iyong pagkatao. Alam mong maasahan mo siya bawat oras, kasama mo siya palagi at sigurado ka talagang hinding-hindi ka niya papalitan pa kahit na matagal nang panahon ang lumipas dahil alam niyang nandiyan ka lang naghihintay para sa iyo pagbabalik.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento