Panambitan (Tula/Bikol)
(Teoryang Imahismo)
Salin ni Ma. Lilia F. Realubit ng
"PANAMBITAN" ni Myrna Prado
Bakit kaya dito sa mundong ibabaw
Marami sa tao'y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang
kapus-kapalaran,
Wala kang pag-asang makyat sa
lipunan.
Mga mahihirap lalong nasasadlak,
Mga mayayaman lalong umuunlad,
Maykapangyarihan, hindi
sumusulyap,
Mga utang-na-loob mula sa
mahihirap.
Kung may mga taong sadyang
nadarapa,
Sa halip na tulungan, tinutulak
pa nga;
Buong lakas silang
dinudusta-dusta
Upang itong hapdi'y lalong
managana.
Nasaan, Diyos Ko, ang sinasabi Mo
Tao'y pantay-pantay sa balat ng
mundo?
Kaming mga api ngayo'y naririto
Dinggin Mo, Poon ko, panambitang
ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento