Pagislam:
Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Ang Pagbibinyag ng mga Muslim
(Sanaysay/Muslim)
(Teoryang Formalismo)
Salin mula sa
Ingles ni Elvira B. Estravo
NANINIWALA
ANG MGA Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan, kaya di
kailangang binyagan. Ganoon pa man, mayroon silang isang seremonya na
kahalintulad ng binyag na tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito ang
pagbibinyag ng mga Muslim.
Sa
katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob
sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang
sanggol.
Ang
unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang babasa
ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y ginagawa upang dito’y
ikintal na siya’y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang
pangalan ni Allah.
Ang
pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad. Ginagawa
ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng kanduli, isang
salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang
mga kaibigan, kamag-anakan at pandita.
Ang
paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan.
Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito ay tinatawag na
aqiqa, na ibig sabihi’y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.
Sa
okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng
isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol.
Inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang
Maguindanao, pag lumutang ang buhok, magiging maginhawa at matagumpay ang
tatahaking buhay ng bata. Ngunit kapag ito’y lumubog, siya’y magdaranas ng
paghihikahos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng
Islam ngunit bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang
Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang
paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang
nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin.
Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw.
Inihahanda ito ng isang matandang babaing tinatawag nilang walian, isang
katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa
kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo
sa seremonya ang buaya.
Ang
ikatlo at huling seremonya ay ang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa
pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang
ito ang pagtutuli. Tinatawag itong pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah
para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang
pagaari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang
matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang
ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga
Muslim.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento