Sabado, Disyembre 14, 2013

Banaag at Sikat

Banaag at Sikat
Ni Lope K. Santos
Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan atalagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at
magtatamasa
nglubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalititinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilangkarapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siyasa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahitdi kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala samalayang pag-ibig.Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawalaang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ngkayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo angnagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ngmga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalakisa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilangmanunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindikasing radikal nito.Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’ydaanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahangpag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ngiilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mgasimulain ng sosyalismo.Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalakingmay asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isangabogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isangbagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema nglipunan na pinangyayarihan ng mayayamang
walang kapararakan
kung lumustay ngsalapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa ibapang pangunahing pangangailangan sa buhay.Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala atnaibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sakanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito angkanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan saAntipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibighanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindinila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni athalos patayin. Sa
amuki
ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal siMeni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ngkayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin.Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damito nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdamat ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sapangangailangan.Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, atpinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalanghanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, siDon Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangangginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos atEuropa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik saPilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ngmaraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ayang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan niMeni.Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais namakapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mgakaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfinna tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamangmakatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilanganarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mgapangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nilaDelfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikangnakasasagip sa gayong pangyayari.Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isangkablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamangutusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay,sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni DonFelimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod naSabado ang lahat ng hindi sasalubong.Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid niTentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasamang isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingisa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siyasa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba atCalifornia, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at nagingkaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel namalapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe nakaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia.Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon angugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Salibingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ngkuro-kuro at paniniwala.Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ngkanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga


mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang namagpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganapna kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya.Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mgakasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailanganglumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sabuong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan ninaFelipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nitosa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay nanapuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparissa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas angpaninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ngdugo.Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sapagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwannati’t palipasin ang diin ng gabi."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento