Linggo, Disyembre 15, 2013

Ang Totoo Kong Kaibigan

                                                     Ang Totoo Kong Kaibigan
           
                        Ang pagkakaroon ng malalim na negosasyon sa mga kapwa, ka edad, bata man o matanda ay ika ngang parte talaga ng mga pgbabago sa buhay.
Sa pagdaan ng panahon ay magkakaroon at magkakaroon ka rin ng mga kaibigan o matalik na mga kaibigan. Ngunit ang pagkakaroon ng totoong kaibigan ay iba nang mga usapan.
            Ako ay may totong kaibigang nagngangalang Grace Ann T. Dongon. Siya ay 13 taong gulang ngayon at nag-aaral sa Marian Collage ngayon. Siya ay mabait, maganda, matalino, hindi mataas ang pagtingin sa sarili o kung kaya ay mahiyain at isang taong paminsan-minsan mo lang makikilala sa buong mundo. Nakilala ko siya simula noong nasa unang baiting pa lamang kami. Naging magkaibigan kami noong nasa ikalawang baiting na kami. At nang lumalim at limalim an gaming pagsasamahan ay naging matalik na kaming dalawa. Talagang maipagmamalaki ko siya dahil siya ay palaging nandoon pag mayroon akong problema, malaki man ito o maliit, at nandoon rin siya paliging handang tumulong sa mga problema ko. May isang panahonon ngang halos nalibot na niya ang buong paaralan para lang Makita ako’t masabing “maayos lang ba ang kalagayan mo?”, talagang nasurpresa ako na ginawa niya iyon lahat para lang masabi iyon. Ngunit, sa kasamaang palad ay dumating nga yaong panahon na kami ay nagkagalitan sa isa’t isa dahil sa pagkakaroon niya ng ‘matalik na kaibigan habambuhay’. Sobrang nasaktan talaga ako sa nangyari na parang tuluyan na niya akong tinakwil. Dahil nun ako ay nakasabi sa kanya ng mga masasamang mga salita na habang sinasabi ko iyon ay parang bumabalik na lamang iyon sa akin na mas maraming beses, dahil alam kong sobrang nasasaktan na siya sa mga sinsasabi ko kaysa sa akin. Pakiramdam ko rin na habang sinasambit ko ang mga salitang iyon ay parang pinupuga ang puso ko habang pilit na iniiwasang tumulo ang kahit isa man lang luha. Kaya nga ay nag-away kami ng tatlong araw at sa bawat pag-iwas niyang tumingin sa akin ay sing sakit na parang pinapana ako sa akinglikuran ng walang hanggang paghahapdi. Ngunit, hindi ko lang naalala pero may mga himalang dumating at kami ay bumalik sa dati namang pagsasama at nun ay inamin na niya sa akin na “sa bawat pag-iisip ko sa’yo at sa mga nangyari ng pag-aawayan natin noon ay parang tuluyan nang gumuho ang aking mundo at ngayon ay nagpapasalamat ako’t ang pagkakaibigan natin ay naibalik na pati rin sa ang aking mundo.” Doon ko nalamang inalala niya rin talaga ako sa kabila ng mga nasabi kong mga mali sa kaniya at mula noo’y tinuring na naming ang isa’t isa na totoong magkaibigan. At kahit na magkalayo man kami at hindi na rin naming makikita o malamang ay hindi na rin naming makikilala ang isa’t isa ngunit hinding hindi namin makakalimutan an gaming pagsasama bilang totoong magkaibigan.
            Ang pagkakaroon ng mga matalik na kaibigan ay ang pakiramdam na mayroon kang makakassama palagi. Ngunit ang pakiramdam na mayroon kang totoong kaibigan ay iba dahil mararramdaman mong buo na ang iyong pagkatao. Alam mong maasahan mo siya bawat oras, kasama mo siya palagi at sigurado ka talagang hinding-hindi ka niya papalitan pa kahit na matagal nang panahon ang lumipas dahil alam niyang nandiyan ka lang naghihintay para sa iyo pagbabalik.


Ang Kilusang Reporma

Ang Kilusang Reporma at Ang Kilusang Propaganda

Ang Kilusang Reporma

Hatid Kaalaman

          Ang hindi makatarungang pagpatay sa tatlong pari – Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora ang naging daan sa paghahangad ng reporma o pagbabago ng mga Pilipino laban sa pamahalaang Kastila.

Ilustrado – ang pagtatag ng mga samahan na nangangampanya ng reporma sa pagpapatakbo ng pamahalaan

Ang Kilusang Propaganda

          Ito ay isang samahang itinatag ng mga liberal na Pilipino upang matamo ang pagbabago sa mapayapang pamamaraan.  Ang pangunahing adhikain ay mapangalagaan ang karapatan ng mga Pilipino at ang paghiling ng asimilasyon sa pamahalaang Kastila.  Ito ay upang maranasan ng mga Pilipino ang mga karapatang bilang mamamayang Kastila.  Kung susuriin, ang hinihiling lamang ng mga propagandista ay pagbabago at hindi ganap na pagsasarili ng bansa.

          Ang pamamaraang ginagamit ng mga repormista o propagandista ay ang pluma.

          Sumulat sila ng mga nobela, magasin, aklat, at iba pang babasahin upang maipahayag ang kanilang mga kahilingan sa pamahalaang Kastila.

Layunin ng Kilusang Propaganda

1.    Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila
2.    Pagkilala sa Pilipinas bilang bahagi o probinsiya ng Espanya
3.    Pagkakaroon ng representasyon sa Spanish Cortes ng Espanya
4.    Pagtatalaga ng mga Pilipinong paring secular sa mga parokya
5.    Pagkilala sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino
6.    Pagkakaroon ng mga pagbabago sa pamamalakad sa pamahalaan

La Solidaridad

          Upang mapalaganap ang layunin ng kilusan, bumuo ang samahan ng isang pahayagan.  Ang La Solidaridad ang opisyal na organ ng kilusang propaganda.

Enero 15, 1898 – Inilathala sa Barcelona, Espanya ang unang sipi.
Graciano Lopez Jaena – ang unang patnugot ng pahayagan
Marcelo H. del Pilar – pumalit siya sa taong Disyembre 1895
Nobyembre 15, 1895 – Tumagal na paglathala ng pahayagan

Mga Limang Pilipinong Manunulat

Marcelo H. del Pilar – Plaridel, Araw at Gabi, Dolores Manapat
Jose Rizal – Dimasalang, Laong Laan
Mariano Ponce – Tikbalang, Naning, Kalipulako
Antonio Luna – Taga-ilog
Jose Maria Panganiban – Jomapa

Mga Dalawang Propesor

Propesor Ang – isang etnolohistang Australiano
Dr. Miguel Morayta – Kastilang propesor, mananalaysay at mambabatas

Mga Repormista o Propagandista

          Sina Graciano Lopez Jaenaa, Marcelo H. del Pilar, Jose Rizal, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Maria Panganiban, Eduardo de Lete at marami pang iba na naniniwala sa ating Inang Bayan.

Graciano Lopez-Jaena
Ø  ay ipinanganak sa Jaro, Iloilo noong Disyembre 17, 1856.  Ang kanyang mga magulang ay sina Placido Lopez at Maria Jacobo Jaena.  Nag-aral siya sa seminary ngunit hindi siya tumagal dito at nagpasiyang lumabas.
Fray Botod
Ø  ang unang akda na kanyang ginawa ay isang kwento
ICCG
Ø  International Congress of Commercial Geography na nagbibigay ng mga talumpati
Enero 30, 1896
Ø  Nagkasakit ng tuberkolosis at namatay sa Barcelona, Espanya
Ang kanyang mga akda:

1.    Fray Botod
2.    La Solidaridad
3.    La Hiya del Fraile
4.    Esperanza
5.    Discursos y Artifulos Varios


Marcelo H. Del Pilar
Ø  ay isang bantog na manunulat at mananalumpati.  Ipinanganak siya sa Kupang Bulacan, Bulacan noong Agosto 30, 1850.  Ang kanyang magulang ay sina Julian H. del Pilar at Blasa Gatmaitan.  Nag-aral siya sa Colegio de San Jose at unibersidad ng Santo Tomas at nagtapos ng abogasya.
Hulyo 4, 1896
Ø  nagkasakit ng tubekulosis at namatay sa Barcelona, Espanya
Ang kanyang mga akda:

1.    Diariong Tagalog
2.    Caingat Cayo
3.    Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
4.    Dudas
5.    La Soberania Monacal
6.    La Frailocrasia Filipinas
7.    Dasalang at toksohan
8.    Dupluhan
9.    Kadakilaan ng Dios
10. Pasiong Dapat ipag-alala ng Puso ng Taong Babasa


Jose P. Rizal
Ø  Ang itinuturing na nobelista ng mga propagandista.  Ipinanganak siya noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna, anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo.  Sa gulang na walong taon pa lamang ay naisulat na niya ang tulang “Sa aking Kababata” na nagturo ng pagmamahal sa sariling wika.  Siya ay nag-aral sa Ateneo de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas.
Ø  Ang kanyang obra maestro, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
El Filibusterismo
Ø  ay isang nobelang pulitikal na nagsasaad ng nalalapit na rebulusyon
1892
Ø  dinakip at ikinulong siya sa Fort Santiago at di naglaon ay ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga
Disyembre 30, 1896
Ø  Siya ay nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril sa Bagumbayan (Luneta ngayon)
Ang kanyang mga akda:

1.    Noli Me Tangere
2.    El Filibusterismo
3.    A La Suventad Filipina
4.    Mi Ultimo Adios


Asocasion Hispano – Filipino
Ø  Ito ay itinatag noon Enero 12, 1882 sa Madrid Espanya

Ang Dalawang Kastilang Kasapi

Miguel Morayta – guro ng Unibersidad Central de Madrid
Felipe de la Corte – may akda ng ilang mga aklat at lathalain tungkol sa Pilipinas

Ang Tatlong Dibisyon

1.    Sektor Pampulitika sa pamumuno ni Marcelo H. del Pilar;
2.    Sector Pampanitikan kay Mariano Ponce; at
3.    Sektor Papalakasan kay Tomas Arejola.

La Liga Filipina

          Itinatag ni Dr. Jose P. Rizal noong Hulyo 2, 1892 sa Ilaya, Tondo.

          Ito ay isang samahang pangsibiko na naglalayong:
1.    pagkakabuklod ng buong kapuluan;
2.    pagtutulungan sa panahon ng pangangailangan at kagipitan;
3.    pagtatanggol laban sa lahat ng uri ng karahasan at kawalang-katarungan;
4.    pagtataguyod ng edukasyon, agrikultura at komersiyo;
5.    pagsasagawa ng mga reporma o pagbabago.

Mga Nahalal sa Pamunuan

Ambrosio Salvador – pangulo
Agustin de la Rosa – piskal
Bonifacio Areval – ingat-yaman
Deodato Arellano – kalihim
Jose P. Rizal – ang nagsulat ng Saligang-Batas sa Hong Kong katulong si Jose Maria Basa
Hulyo 6, 1892 – dinakip si Rizal noong Hulyo 6, 1892 at ikinulong sa Fort Santiago
Cuerpo de Compormisarios – nagpatuloy na sumusuporta sa La Solidaridad

Mga Nagawa at Kinalabasan ng Kilusan

          May mga ilan ding pagbabago ang nakamit ng Kilusan tulad ng:
1.    ang pagkakaalis ng katungkulang panghukuman sa pangangasiwa ng pamahalaang bayan;
2.    pagkakatanggal ng monopoly sa tabako;
3.    pagpapatibay ng Batas Maura sa pagtatag ng pamahalaang municipal;
4.    ang pagbabayad ng buwis ay ibinatay sa kakayahan ng tao at tinawag na cedula;
5.    pagkakatatag ng maraming hukuman sa mga lalawigan at Maynila upang mapadali ang pagdinig ng mga kaso;

6.    pagbabago ng pamamaraan ng pagpili ng gobernador sibil na mangangasiwa sa mga pamahalaang panlalawigan.

The Microscope Parts and Specifications

The Microscope 
Parts and Specifications

Historians credit the invention of the compound microscope to the Dutch spectacle maker, Zacharias Janssen, around the year 1590.   The compound microscope uses lenses and light to enlarge the image and is also called an optical or light microscope (vs./ an electron microscope)The simplest optical microscope is the magnifying glass and is good to about ten times (10X) magnification.  The compound microscope has two systems of lenses for greater magnification, 1) the ocular, or eyepiece lens that one looks into and 2) the objective lens, or the lens closest to the object.  Before purchasing or using a microscope, it is important to know the functions of each part.   
Eyepiece Lens:  the lens at the top that you look through.  They are usually 10X or 15X power. 
Tube:  Connects the eyepiece to the objective lenses
Arm:  Supports the tube and connects it to the base
Base:  The bottom of the microscope, used for support
Illuminator:  A steady light source (110 volts) used in place of a mirror.  If your microscope has a mirror, it is used to reflect light from an external light source up through the bottom of the stage.
Stage:  The flat platform where you place your slides.  Stage clips hold the slides in place.  If your microscope has a mechanical stage, you will be able to move the slide around by turning two knobs.  One moves it left and right, the other moves it up and down.
Revolving Nosepiece or Turret:  This is the part that holds two or more objective lenses and can be rotated to easily change power.
Objective Lenses:  Usually you will find 3 or 4 objective lenses on a microscope.  They almost always consist of 4X, 10X, 40X and 100X powers.  When coupled with a 10X (most common) eyepiece lens, we get total magnifications of 40X (4X times 10X), 100X , 400X and 1000X.  To have good resolution at 1000X, you will need a relatively sophisticated microscope with an Abbe condenser.  The shortest lens is the lowest power, the longest one is the lens with the greatest power.  Lenses are color coded and if built to DIN standards are interchangeable between microscopes.  The high power objective lenses are retractable (i.e. 40XR).  This means that if they hit a slide, the end of the lens will push in (spring loaded) thereby protecting the lens and the slide.  All quality microscopes have achromatic, parcentered, parfocal lenses.
Rack Stop:  This is an adjustment that determines how close the objective lens can get to the slide.  It is set at the factory and keeps students from cranking the high power objective lens down into the slide and breaking things.  You would only need to adjust this if you were using very thin slides and you weren't able to focus on the specimen at high power. (Tip: If you are using thin slides and can't focus, rather than adjust the rack stop, place a clear glass slide under the original slide to raise it a bit higher)
Condenser Lens:  The purpose of the condenser lens is to focus the light onto the specimen.  Condenser lenses are most useful at the highest powers (400X and above).  Microscopes with in stage condenser lenses render a sharper image than those with no lens (at 400X).  If your microscope has a maximum power of 400X, you will get the maximum benefit by using a condenser lenses rated at 0.65 NA or greater.  0.65 NA condenser lenses may be mounted in the stage and work quite well.  A big advantage to a stage mounted lens is that there is one less focusing item to deal with.  If you go to 1000X then you should have a focusable condenser lens with an N.A. of 1.25 or greater.  Most 1000X microscopes use 1.25 Abbe condenser lens systems.  The Abbe condenser lens can be moved up and down.  It is set very close to the slide at 1000X and moved further away at the lower powers.  
Diaphragm or Iris:  Many microscopes have a rotating disk under the stage.  This diaphragm has different sized holes and is used to vary the intensity and size of the cone of light that is projected upward into the slide.  There is no set rule regarding which setting to use for a particular power.   Rather, the setting is a function of the transparency of the specimen, the degree of contrast you desire and the particular objective lens in use.
How to Focus Your Microscope:  The proper way to focus a microscope is to start with the lowest power objective lens first and while looking from the side, crank the lens down as close to the specimen as possible without touching it.  Now, look through the eyepiece lens and focus upward only until the image is sharp.  If you can't get it in focus, repeat the process again.   Once the image is sharp with the low power lens, you should be able to simply click in the next power lens and do minor adjustments with the focus knob.  If your microscope has a fine focus adjustment, turning it a bit should be all that's necessary.   Continue with subsequent objective lenses and fine focus each time. 
What to look for when purchasing a microscope.
If you want a real microscope that provides sharp crisp images then stay away from the toy stores and the plastic instruments that claim to go up to 600X or more.  There are many high quality student grade microscopes on the market today.  They have a metal body and all glass lenses.  One of the most important considerations is to purchase your instrument from a reputable source.  Although a dealer may give you a great  price, they may not be around next year to help you with a problem.   One dealer that we can highly recommend is Microscope World.   They offer a wide variety of instruments at very competitive prices.

Reference: www.microscope-microscope.org/basic/microscope-parts.htm

Pagbasa; Kahulugan , Proseso at Katangian at Teorya

Pagbasa; Kahulugan , Proseso at Katangian at Teorya

*Pagbasa - ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo.

*Proseso at Katangian

1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.
3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.


Limang Panukatan o Dimensyon sa Pagbasa
Ang pagbabasa ay psycholinguistic game dahil ang isang mambasa ay binubuong muli ng kaisipan o mensahe hango sa kanyang tekstong binasa.
- Goodman
Ang pagbabasa ng mga aklat, magasin, pahayagan at iba’t ibang akdang pampanitikan ay may layuning hindi lamang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa kundi magkaroon sila ng mga kaalamang kaugnay ng pagmamahal ng Diyos, bayan, kapwa tao at kalikasan, mga kagandahang asal,mga aral at mga karanasang maiuugnay sa katotohanan ng buhay. May limang panukatan o dimension sa pagbasa na makatutulong sa paglinang ng mga nabanggit na layunin.

I. Pag-unawang Literal
1. Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan ng salita, o pagkuha nito ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
2. Pagkuha ng mga ideya at impormasyong maliwanag na sinabi ng babasahin
3. Pagsasalin ng kaisipan ng may akda sa sariling pagkakaunawa ng bumabasa.
4. Pagkilala (recognizing) - mga informasyon o ideyang malinaw na isinasaad ng binasa.
a) Detalye o nilalaman ng kwento
                    (pangalan ng mga tauhan,panahon,pook)
b) Pangunahing Kaisipan ng talata
           (malaking bahagi ng kwento)
c) Paghahambing (Comparison)
           pakakapareho o pagkakaiba (mga tauhan,panahon,pook)
d) Sanhi at Bunga (Cause and Effect)                                        
   dahilan ng:(mga tiyak ng pangyayari, kilos sa loob ng seleksyon)
e) Mga katangian ng Tauhan (Character Traits)
malinaw sa mga pangungusap ang makakatulong sa paglalarawan sa katauhan ng isang tao.
5. Paggunita (Recalling)-Makagawa sa sariling pangungusap at maipaliwanag na mabuti ang mga sinasabi sa loob ng kwento.
6. Pagbubuo ng Kaisipan (Reorganization)
a) Pagbubukud-bukod ayon sa kategorya (Classifying)
1) tao
2) bagay
3) pook
4) pangyayari
b) Pagbabalangkas (Outlining)
1) Pagsasaayos ng akda ayon sa balangkas ng:
2) Tuwirang pagpapahayag
3) Pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng akda
c) Paglalagom (Summarizing)
1) Pagbubuod ng akda sa pamamagitan ng tuwirang pagpapahayag o pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng akda.
d) Pagsasama-sama (Synthesizing)
1) Pagsasama-sama ng mga informasyon o ideyang nangaling sa ibat’t ibang pananaliksik.

II. Interpretasyon (Interpretation)
1. Pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung kwento at mga taludtod kung tula.
2. Pagkuha ng malalalim na kahulugan, bukod sa mga nakuha ng literal na kahulugan.
3. Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita na hindi tuwirang sinasabi sa aklat.
4. Paglalahad ng tunay na kaisipan ng may akda kasama pati ang mga implikasyon at karagdagang kahulugan nito.
5. Pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ng may akda.
6. Mabigyan ng kahulugan ang kaisipan ng may akda.
7. Makilala at mabigyan ng kahulugan ang mga pamamaraan sa pagsulat at paggamit ng mga tayutay.
8. Pagbibigay ng kabuuan ng kwento na hindi malinaw na ipinapahayag ng may akda.
9. Pagsasaayos sa panibagong balangkas ng kaisipan ng may akda, pinalalawak ang kaisipang ito at isinasama sa mga ideyang nakuha ng bumabasa sa pagbasa.
10. Pagbibigay ng opinion at pala-palagay ayon sa mga kaisipan at informasyong malinaw na isinasaad ng akda.
11. Pag-aanalisa at pagsasama-sama upang magkaroon ng panibagong pananaw o mataas na pamantayan ng pag-unawa upang bayaan ang bumabasa na makapag-isip sa nais na ipakahulugan sa mahahalagang kaisipan ng may akda.
12. Paghinuha (Inferring)
a) Pagpapatunay o pagtatanggol sa detalye
b) Pagbibigay ng haka-haka sa karagdagang bagay na maaaring naisama ng may akda na nakakatulong upang ito’y makapagturo, maging kawili-wili at makatawag pansin.
13. Pagkakasunud-sunod (Sequence)
a) Pagbibigay ng palagay kung anong mga kilos o pangyayari ang maaaring maganap sa pagitan ng dalawang malinaw na ipinahayag na mga kilos o mga pangyayari.
b) Pagbibigay ng haka-haka sa kung anu-ano ang maaaring susunod na mangyari kung ang akda ay natapos nang hindi inaasahan, ngunit ito’y pinabayaang mangyari.
14. Paghahambing (Comparison)
           Mahulaan o mabigyan ng sariling palagay o masabi ang pagkakaiba ng:
a) mga tauhan
b) panahon
c) mga pook
15. Pagkakaugnay ng sanhi at bunga
a) Paghahaka sa mga motivo ng mga tauhan at kanilang mga kinikilos ayon sa takbo ng panahon at pook
b) Pagbibigay ng palagay kung bakit isinasama ng may-akda sa kanyang panulat ang:
1. mga kaisipan
2. mga gayong pananalita
3. katauhan ng tauhan
           16. Katangian ng Tauhan
Pagbibigay ng haka-haka tungkol sa likas na ugali ng mga tauhan batay sa malinaw na palatandaangipinahahayag ng akda.
a) Pagkuha sa maaring kalabasan ng kwento
b) Pagbasa sa unang bahagi ng akda at ibase sa pagbasang ito ang palagay sa maaaring kahinatnan ng akda.
c) Pagbibigay kahulugang akda.

III. Mapanuring Pagbasa (Critical Reading)
1. Pagbibigay halaga sa katumpakan ng pagbabasa
2. Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang particular sa suliranin
3. Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa:
a) katangian
b) kabuluhan
c) katumpakan
d) pagkanakatotohanan
4. Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa mga kaisipang natutuhan o sa akdang nabasa
a) naibigan o di naibigan sa pananaw ang akda
b) sang-ayon o di sang-ayon sa sa kababasang akda
c) makikita ng mga kaisipang nakagugulo ng damdamin o kaya’ynakapagpapalubag-loob
5. Paghatol at pagbibigay-pansin sa katangian ng material na ginamit ayon sa:
a) katumpakan
b) pagiging kasiya-siya
c) kung ito’y kinalulugdan
d) kalimitan ng pangyayari
6. Pagpapasaya kung ito’y maaring tunay na pangyayari o fantasya lamang batay sa karanasan ng bumabasa.
7. Pagpapasya kung ito’y katotohanan o opinion lamang, analisahin o tantyahin:
a) ang pagsulat ay ibinase ayon sa kaalaman ng paksa ng mga bumabasa
b) ang intension ng may akda
Mga tanong ng maaaring sundan:
1) Binibigyan ban g sapat na pagpapatotoo ang kanyang katapusan?
2) Nagtatangka ba ang may akda na ibaling ang inyong pag-iisip?
8. Pagpasya sa kaangkupan
Bininigyang pasya ang kasapatan nito alinsunod sa iba’t ibang bahagi ng akda. Sa anong bahagi ng kwento inilalarawang mabuti ang tunay na katangian ng pangunahing tauhan
9. Pagpapasya sa pagpapahalagang moral
Pasyahan ang kinalulugdan at kinasisiyahang ugali ng mga tauhan batay sa alituntunig moralidad o sistema ng pagpapahalaga.
Tanong na maaaring sundan:
a) Tama ba o mali ang tauhan sa kanyang ginawa?
b) Ang ikinikilos ba niya ay mabuti o masama?

IV . Aplikasyon sa Binasa /Paglalapat
1. Pagsanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa
2. Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa karanasan ng bumabasa.
3. Maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili.
4. Pagpapahalaga sa ibang tao, pag-unawa sa daigdig na kanyang tinanahanan at ang mga bagay sa mundo na nagpapakilos sa tao upang siya’y mag-isip, makadama at umasal ng kanyang ikinikilos.
5. Pag-uugnay ng nilalaman sa personal na karanasan.
Naranasan mo rin ba ang katulad ng nangyari sa tauhan sa loob ng kwento? Ano ang ginawa mo?
6. Aplikasyon ng mga kaisipan sa binasa sa kasalukuyang isyu at mga problema.
Kung ikaw ang tauhan, ano ang iyong gagawin?

V.Pagpapahalaga (Appreciation)
1. Paglikha ng sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon.
2. Pagdama sa kagandahan ng ipinahiiwatig ng nilalaman ng kwento.
3. Madama ang mga damdamin o kaisipang likha ng guniguni o mga damdamin ng mga tauhan sa kanilang pakikipagtunggali, papupunyagi at paghihirap.
4. Maipahayag ang mga damdamin(kasiyahan, kagalakan, kalungkutan, pagkabigo, pagdakila o kabaliktaran nito) ayon sa pamamaraan ng may akda sa kanyang:
a. mabisang pagpapahayag
b. pamamaraan ng pagbibigay ng mga katangian ng mga tauhan
5. Pagdama sa nilalaman ng seleksyon.
Masabi ang mga damdaming napapaloob sa seleksyon ayon sa:
a. interes
b. kagalakan
c. pagkainip
d. pagkatakot
e. pagkayamot
f. pagkagalit
g. pagkasuklam
h. kalungkutan
i. iba pa

Damhin
            Upang matupad ang ating layunin sa pagbabasa, kailangangs malaman at sundin ang mga dimensyon sa pagbabasa. Ang pagpapahalaga sa gawaing ito ay magbibigay sa atin ng magaang na pakiramdam at damhin ang ating nabasang akda.Ito man ay pangkaalaman o panlibangan na gawain, matitiyak na magugustuhan natin ang ating mga binasa. Makakapaglaan pa ng kaunting oras sa paginitindi sa mga akda dahil ang mga dimesyong ito ay nagsisilbing teknik sa pagkuha ng impormasyon sa akda.
            Katulad ng aplikasyon,isa sa mga dimesyon sa pagbasa,naiiugnay ang sariling karanasan sa akdang nabasa. Nagsisilbi itong tulong sa buhay ng mambabasa upang matiyak na magkakaroon ng bunga ang kanyang nabasa at di lamang makapagtataas ng kaalaman kundi makakatulong din sa pagpapadali ng kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Maiuugnay ang anumang kanyang nabasa sa pagtiyak sa katotohanan ng buhay.
            Sa kabuuan, bigyang halaga ang pag-alam sa dimesyon o panukatan sa pagbasa dahil ang bawat baitang ng dimesyong ito ay maghahatid sa atin sa makabuluhang pamumuhay.Maisasaayos ang mga pagkakamali at mapupunan ng ang pangngailang pangkaalaman ng bawat mambabasa.